Coco Martin shy about possibility of being hailed Box-Office King

Coco Martin: “Yung pagiging blockbuster ng pelikula, ayokong isipin. Baka ma-pressure lang ako, at maging iba yung istilo ng pagtatrabaho ko.”


Natawa si Coco Martin nang pabirong tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang next target niya ba ay tanghaling Box-Office King.

Sigurado na kasing magiging blockbuster hit ang pelikulang Beauty And The Bestie na pinagbibidahan nila ni Vice Ganda kasama sina James Reid at Nadine Lustre.

Maganda ang track record sa takilya ng mga pelikula ni Vice at lagi nitong nalalampasan ang record ng kanyang past movies.

At dahil never pang naagaw ang parangal na Phenomenal Box-Office Star kay Vice, posibleng Box-Office King naman ang mapunta kay Coco next year.

Reaksiyon ni Coco, “Hindi naman po. Ako naman po basta masaya ako kahit anong pelikula ko na ginagawa.

“Mapa-comedy man iyan, action, drama, minsan hindi ko tinitignan kung gaano kalaki ang kinita.

"Basta ako, every time na may ginagawa akong proyekto, proud ako dahil magandang proyekto po yung ginawa ko.

“Yung pagiging blockbuster ng pelikula, ayokong isipin.

"Baka ma-pressure lang ako, at maging iba yung istilo ng pagtatrabaho ko.”

Nakausap si Coco ng PEP sa presscon ng Beauty And The Bestie noong Huwebes, Disyembre 10, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema at Viva Films, ang pelikula sa direksyon ni Wenn Deramas ay isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2015 at ipalalabas sa mga sinehan sa Pasko, Disyembre 25.

Kung sakali man, makakalaban ni Coco para sa Box-Office King award si John Lloyd Cruz dahil patuloy na humahataw sa takilya ang A Second Chance nila ni Bea Alonzo.

FULL COMEDY. Masaya lang si Coco na ngayon lang siya nakagawa ng full comedy na pelikula.

Ang pelikula raw kasi nila ni Toni Gonzaga na You’re My Boss ay romantic-comedy.

Aniya, “Actually, ibang experience, first time kong makatrabaho si Direk Wenn, sobrang saya.

“Ganun pala magtrabaho sa comedy, para lang kaming…

"Hindi naman naglaro, hindi dahil sa hindi ko sineseryoso, pero walang pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba rin pala 'pag comedy, iyong pagkatapos ng shooting umuuwi kang masaya.”

DEDICATION. Malaking factor nga na kasama ni Coco sa Beauty And The Bestie si Vice na best friend niya sa totoong buhay.

Bumilib nga raw siya sa kaibigan sa ginawa nilang action scenes sa pelikula.

Kuwento ni Coco, “Honestly, napabilib ako kay Vice kasi may mga stunt kaming ginawa dito.

“Yung after ko siyang gawin naisip ko na bakit ko siya ginawa, na kahit ako nagdalawang-isip.

“Kapag sinu-shoot yung mga ganyang bagay, sumasabit kami sa helicopter... sa cable lines, kadalasan may double iyan o dinadaya.

“Pero sa sobrang excitement namin, hindi namin naisip na, ‘Hoy, baka mahirap iyan… Baka delikado iyan, mamatay kami diyan.’

“Nung pagkauwi ko sa bahay, ‘Bakit namin ginawa iyon?’

“Sa totoo lang, pwede naman kaming mag-double, pwede namang dayain; siguro yun yung dedication.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN