Matteo Guidicelli contemplates settling down with GF Sarah Geronimo: “Siya na sana ang last ko.”

Matteo Guidicelli admits he and girlfriend Sarah Geronimo talk about settling down: “Small talk, small talk. Mga ganyan. Parang normal lang. Kinakausap ko siya. Tatawa-tawa lang. Hindi naman sobrang seryoso na pinag-usapan. Marami pa kaming gustong gawin, e.”


Sa edad na 25, pinag-iisipan na pala ni Matteo Guidicelli na lumagay sa tahimik bago siya tumuntong ng 30.

Sana raw ay mangyari ito, dahil gusto na ni Matteo na magkaroon ng sapat na panahon para sa magiging pamilya’t mga anak.

“I always wanted to have a family at a young age to enjoy my time with my family and my kids kumbaga,” pahayag ng Kapamilya actor.

Ang girlfriend ba niyang si Sarah Geronimo ang babaeng ihahatid ni Matteo sa altar?

“Sana. Tingnan natin. Siya na sana ang last ko,” nakangiti niyang sagot nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa isang Christmas event sa Ragay, Camarines Sur noong December 12.

NO BIG PLANS YET. Hindi pa daw seryosong napag-usapan nila Sarah at Matteo ang kasal dahil marami pa raw silang plano sa kanilang career.

“Small talk, small talk, mga ganyan.

“Parang normal lang. Kinakausap ko siya, tatawa-tawa lang.

“Hindi naman sobrang seryoso na pinag-usapan. Marami pa kaming gustong gawin, e,” dagdag ni Matteo.

A MORE MATURE AND INDEPENDENT SARAH. Natutuwa si Matteo dahil malaki na raw ang ipinagbago ni Sarah.

Sinabi ng Pop Princess sa mga interview kamakailan na gusto na niyang maging independent. Gusto na rin niyang siya ang magpasiya sa direksiyong gusto niyang tahakin.

“I guess it’s her age also.

“She’s 27 and dapat ganyan, e.

“Hindi na siya 15, hindi na siya 18.

“She’s 27, and kahit wala naman ako dun, siya talaga yun, e. Kumbaga, panahon din niya, e,” saad ni Matteo.

RIGHT TIMING. Tumango lang siya nang sinabi naming right timing ang pagpasok niya sa buhay ni Sarah dahil sumabay ito sa pag-mature ng singer-actress.

“I guess everything happens for a reason.

“We don’t know why, but things happen for a reason, and nangyayari lang yung mga bagay without us expecting. Ganun talaga yung buhay, e,” patuloy ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMMUNICATION. Pero hindi rin daw ganun kadali dahil aminado siyang may pinagdadaanan pa rin sila.

“Communicate, kumbaga. Communicate with each other.

“Alam naman niya ang totoo, e. We shouldn’t be brainwashed or affected with mga ganyan e,” saad ni Matteo.

Ayon kay Matteo, okay na naman sila ng mga magulang ni Sarah, lalo na si Mommy Divine.

“Okay naman. Basta God has His ways naman, e, “ natatawang lahad ni Matteo.

Dagdag pa niya, “In our relationship naman talaga, kailangan dalawang effort, e. Hindi lang puwede ikaw o ako.

“The relationship’s working because of both of us, because we work hard at it.

“Ang relationship namin ni Sarah, kahit bago pa lang, malakas. No one can bring us down.”

ALMOST PERFECT. Paano ide-describe ni Matteo si Sarah bilang kasintahan?

“Perfectly imperfect. Puwede ba yun?” parang naaalangan niyang sagot. Patukoy din ito sa latest album ni Sarah.

“Siyempre nobody’s perfect, but her imperfections make her almost perfect,” tila kinikilig na paliwanag ni Matteo.

Tutulak patungong Italy si Matteo sa umaga ng December 14. Pero hindi pa raw niya puwedeng sabihin kung ano ang project na gagawin niya roon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN