Julie Anne San Jose on Maine Mendoza: "Wala po kaming bitterness kasi wala po kami issue."

Paglilinaw ni Julie Anne San Jose, wala naman daw talaga silang isyu ni Maine Mendoza, pero nagpapasalamat siya sa phenomenal star sa paglapit nito sa singer nitong nakaraang linggo upang mag-sorry.


Nagpasalamat si Julie Anne San Jose sa magandang gesture ni Maine Mendoza nang magkita sila sa studio ng Sunday Pinasaya noong Linggo, December 13.

Sa ulat na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, nilapitan at niyakap ni Maine si Julie Anne upang humingi ng paumanhin sa mga pamba-bash na natanggap ng huli mula sa ilang fans ng tambalang AlDub nina Maine at Alden Richards.

 Read: Maine Mendoza apologizes to Julie Anne San Jose for Twitter misunderstanding

Pahayag ni Julie Anne sa ulat ng GMA News Online, "OK naman po talaga kami ni Maine.

"Wala po talaga kami dapat pag-awayan. OK po kami.

"Nakaka-touch and nakakataba ng puso na first time namin na mag-meet," sabi pa ng singer.

Ayon pa kay Julie Anne, bago ang pagkikita nila sa Sunday Pinasaya ay nagkita sila ni Maine sa Walk of Fame ceremony, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon para makapag-usap.  

"Nung Walk of Fame, bati-bati lang. So, ngayon kami nakapag-usap."

Sa tanong kung ano ang mensahe niya kay Maine matapos ang pagbabati nila, simpleng sagot ng singer, “Thank you."

Dating naging ka-love team ni Julie Anne si Alden sa ilang proyekto sa GMA-7, bago ipinareha ang aktor kay Maine.

Ngayon ay itinuturing na pinakasikat na love team sa bansa ang AlDub.

Pahayag ni Julie Anne tungkol sa AlDub, "Noong unang nabanggit, ang una ko na sinabi na fan talaga ako.

"Kumbaga I'm happy for their success. '

"Wala po kaming bitterness kasi wala po kami issue.

"Ang goal namin ay makapaghatid-saya sa fans namin.

"Ginagawa ko rin sa fans through my music tours."

THE ISSUE. Nag-ugat ang di pagkakaunawaan ni Julie at ng AlDub love team sa isang tweet na wala naman silang direktang
kinalaman.

Sinagot kasi ng Sunday Pinasaya director na si Rich Ilustre ang isang netizen na nagtanong kung ang girlfriend ba ni Alden sa totoong buhay ay si Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot ni Direk Rich ng "yup" ang tanong ng fan.

Pero nilinaw nitong inaantok pa siya nang mabasa ang message, at ang basa raw niya ay "friend" sa halip na "girlfriend."

Magkasama kasi ngayon sina Alden at Julie Anne sa Sunday noontime show sa GMA-7.

Read: Sunday Pinasaya director Rich Ilustre apologizes to Maine Mendoza and AldenRichards for Twitter misunderstanding


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN