Gelli de Belen keeps mum about rumored transfer to ABS-CBN

Gelli de Belen on moving on after TV5: "Excited din naman ako... moving on, next level naman, iba naman, or just a different arena."


Nagtapos na ang kontrata ni Gelli de Belen sa TV5 nitong Oktubre at freelancer siya ngayon.

Hudyat ba itong  umalis na siya sa TV5?

Sabi ni Gelli, “I still have a show with TV5 right now, it’s Happy Truck Ng Bayan.

"Ine- air siya every Sunday with Ogie [Alcasid] and Janno [Gibbs] and Derek [Ramsay], iyan.”

Wala raw siyang kontrata sa naturang Sunday show kaya kapag nagtapos ang programa, aalis na rin siya sa TV5.

Bakit hindi na siya pumirma muli ng kontrata sa Kapatid network?

“Hindi na yata sila nagpapapirma ng network contract, hindi na sila nagpapapirma,” sagot ng TV host-actress.

Hindi sinagot ni Gelli ang tanong na given the choice, saan siya lilipat, sa ABS-CBN o sa GMA Network? Pero napanood na siya bilang hurado sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

“Right now, I’m a freelancer.

"Siyempre mahirap magsalita hangga’t hindi official.

“Hangga’t hindi nakakasa, mahirap magsalita… malalaman niyo naman yun pag sigurado na.

“Ika nga sa AlDub, sa tamang panahon!” at tumawa si Gelli.

Ngiti lamang ang isinagot ni Gelli nang tanungin kung pareho bang may offer sa kanya ang GMA-7 at ABS-CBN.

Malakas ang bulung-bulungan na sa Dos siya lilipat, pero hindi rin ito kinumpirma ng TV host-actress.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa presscon ng Anak OFW Film Festival sa Amici Restaurant, sa SM Megamall, nitong Huwebes, December 10.

PROSPECT. Wala rin daw alam si Gelli tungkol sa balitang may bubuuing talk show ang ABS-CBN para sa kanilang tatlo nina Janice de Belen at Carmina Villarroel.

Sabi niya, “Hindi ko alam ‘yan, wala namang offer na ganyan, wala talaga.

“It’s a different thing, pero if ever, next  year pa and I will still be a freelancer.

"So, basta freelancer ako, freelancer ako."

Gaano katagal siyang magiging freelancer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang siguro… hanggang magkaroon na talaga ng project.

“Excited din naman ako… moving on, next level naman, iba naman, or just a different arena.

“Siyempre, ang laki ng utang na loob ko din naman sa TV5.

“More than anything, TV5 has given me a lot of shows na I’m sure hindi ko magagawa sa iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN