Kris Aquino advised by her doctor to undergo complete voice rest for 5 days

Sasailalim sa limang araw na pahinga at hindi pagsasalita simula ngayong araw, December 15, si Kris Aquino ayon na rin sa payo ng kanyang doktor. Sunud-sunod ang trabaho ni Kris nitong mga nakaraang araw para sa shooting ng All You Need Is Pag-ibig at taping ng daily show niyang Kris TV.


Parang batang nagsumamo ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang Instagram followers na huwag siyang kagalitan kung nagkasakit na naman siya.

Sunud-sunod ang shooting at taping ni Kris para sa 2015 Metro Manila Film Festival entry niyang All You Need Is Pag-ibig at daily morning show niya sa ABS-CBN na Kris TV.

Kahapon, December 11, dalawang posts sa Instagram ang ibinahagi ni Kris sa kanyang mga tagahanga.

Una na nga rito ang kanyang pagpapa-check-up sa hindi pa rin gumagaling-galing niyang boses.

Saad niya, “I called my cousin in law, Dr. Nick Cruz because we were all worried already because my voice wasn't recovering. He
referred me to Dr. Keith Aguilera, and I was prescribed an anti inflammatory-anti allergy combination w/ an antacid in case my stomach gets upset. I was able to get checked now in St. Luke's after taping w/ @itspokwang27
& @erichgg on our way to taping w/ #TeamKramer in National Bookstore in @smaurapremier ??”

Kasunod nito, sinabi ni Kris na total voice rest ang payo ng kanyang doktor sa loob ng limang araw.

Ibig sabihin, hindi siya makakapag-shooting at makakapag-taping.

Kaya, humingi siya ng dispensa sa kanyang followers dahil baka isipin ng mga ito na siya rin naman ang umabuso sa kanyang kalusugan.

Lahad ni Kris, “I'm home, signing off & obeying my doctor- COMPLETE vocal rest. Bago nyo ko pagalitan na pinilit kong magtrabaho, uunahan ko na po kayo 1. I honored my commitments 2. The people I work closely with shouldn't be deprived of Christmas income kung kakayanin ko pa naman and 3. We tried 2 days vocal rest but it wasn't enough. GOOD NIGHT. ????????”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN