Kathryn Bernardo to actively campaign for Mar Roxas in 2016 elections

Masaya at excited daw si Kathryn Bernardo para sa 2016 elections dahil first time niyang boboto.


Kinumpirma ni Kathryn Bernardo na makikita at makakasama siya sa pangangampanya ng Liberal Party presidential candidate na si Mar Roxas sa 2016 elections.

Pahayag ng Kapamilya star, “Nakaka-excite and masaya siya and nae-enjoy ko siya.

“Kasi nga, I’m nineteen now and first ever chance ko ‘to para makapagboto and kung sino ang susuportahan natin. “

Matatandaang opisyal na inanunsiyo ni Korina Sanchez, asawa ni Mar, ang desisyon ni Kathryn at ng kanyang ka-love team na si Daniel Padilla na iendorse ang dating DILG secretary sa pamamagitang ng Instagram noong November 22.

Mapapanood din si Kathryn sa campaign video ni Mar na “Fast Forward.”

WHO TO VOTE? Wala mang pangalan ng kandidato o partidong nabanggit si Kathryn, ibinahagi niya kung ano ang mga katangiang dapat hinahanap ng mga botante sa isang kandidato.

“Yung iboboto mo hindi dahil yung ang kilala mo or yun yung nakikita mo sa mga advertisements.

“Importante yung makikita mo yung plataporma niya, kung ano yung tingin mo na maniniwala ka.

“And yung makakapagbigay ng mas magandang plano and yung makakapagpa-improve ng country natin.

“Siguro kailangan na responsibility natin lahat na kilalanin natin lahat ng candidate.

“Tapos tignan nila kung sino yung sa tingin nila na makakapag-fulfill ng mga promises nila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kathryn sa kanyang meeting sa Noordhoff Craniofacial Foundation Phil Inc. (NCF) ngayong araw, December 15, sa KFC restaurant, sa may Quezon Avenue.

NO TO LOVETEAM WARS. Samantala, tulad ng LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre) love teams, kasama sina Kathryn at Daniel sa mga love team ng ABS CBN  na namamayagpag ngayon.

Ngunit sa kabila nito, hindi rin maiwasang magkaroon ng iba’t ibang isyu sa pagitan ng kani-kanilang fans, kaya naman nabanggit ni Kathryn na dapat ay iwasan na ang hindi pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Yun yung pasasalamat ko sa KathNiel na hanggang ngayon ay nandiyan sila to support me and, of course, yung ibang love team as well.

“Hindi naman kasi kailangan mag-away-away because nasa isang network naman tayong lahat.

“Naging special na siya, lalo na kami yung kumanta ng station ID, parang ipinakita natin na pina-unite natin lahat for the Christmas.“

Dagdag pa niya, kung may pagkakataon ay okay na okay siyang makilala ang JaDine at LizQuen.

“Lahat naman gusto natin makilala pa lalo.

“Kasi yung mga tao lang yung mga gumagawa ng issues talaga.

“Pero why not kung mabigyan ng chance na makilala sila, parang magkaka-age naman kami, for sure masaya yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN