Annabelle Rama says Ruffa Gutierrez never follows her advice about love and life

“Kung sinusunod mo ang nanay mo, Ruffa, maganda ang buhay mo, ang lovelife mo. Until now, wala pa rin siyang matinong love life kasi hindi siya gumagaya sa akin," says Annabelle Rama about her daughter Ruffa Gutierrez.


Nasita raw si Annabelle Rama ng kanyang asawang si Eddie Gutierrez sa muling pagbanggit ng anak nilang si Ruffa Gutierrez sa libro ng talent manager na 'Day, Hard!

Naikuwento ni Annabelle kung ano ang naging reaksiyon ng asawa niya of 40 years tungkol sa libro sa book launch niya nitong Martes, December 15.

Bukod daw sa natatawa ito sa mga nakasulat sa libro, pinuna rin ni Eddie ang paggamit ni Annabelle sa panganay nilang si Ruffa bilang halimbawa sa mga love advice niya.

Ito naman daw ang tugon ni Annabelle: “Eduardo, hindi puwedeng walang Ruffa kasi sa kanya ko nakikita yung nandiyan sa libro...

"Siya talaga ang sample ko diyan kasi siya naman talaga ang kasama ko almost 24 hours.

“Kaysa naman magbanggit ako ng mga pangalan ng kaibigan ko na hindi ko naman alam kung ano ang ginagawa nila sa bahay nila.

"I'm just here to advice... sa mga kaibigan ko.”

SECRET TO RUFFA. Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Ruffa kung ano ang nilalaman ng kanyang libro.

“Sabi ko [sa kanya], 'About myself lang.'

"Pero hindi niya alam kasama rin siya doon.

"Ayaw ko siyang bigyan ng sample kasi baka hindi umorder, e."

Natatawang dagdag pa ni Annabelle, “I'm sure magagalit na naman 'yan kasi nasali ko na naman siya."

Sinisikreto raw muna ni Annabelle Rama kay @iloveruffag ang tungkol sa laman ng libro niyang 'Day, Hard!

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle kung alin sa mga advice na nakasulat sa libro ang lagi niyang ipinapaalala kay Ruffa.

Sagot niya, “Actually, lahat 'yan nabigay ko na lahat sa kanya, hindi naman niya sinusunod, e.

“Matigas ang ulo niyan, e. Kaya nakakarma siya.

“Kaya naghiwalay sila kasi hindi sumusunod sa akin.

“Kung sinusunod mo ang nanay mo, Ruffa, maganda ang buhay mo, ang love life mo.

“Until now, wala pa rin siyang matinong love life kasi hindi siya gumagaya sa akin.

“Kaya sinasabi ko sa kanya, 'Basahin mo ang libro ko, maganda 'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko sa kanya, 'Kapag sa gabi wala kang ginagawa o kaya magpunta ka sa banyo, basahin mo 'yan,' para ma-concentrate talaga niya.”

OKAY WITH RUFFA BUT NOT WITH HER BF. Bagamat ilang beses nabanggit ni Annabelle ang kanyang unica hija, nilinaw naman niyang mabuti na ang relasyon nila ngayon.

Maliban na lamang kung ang usapan ay ang relasyon ni Ruffa at ng French boyfriend nitong si Jourdan Mouyal, na hindi pinapaboran ni Annabelle.

“As of now, okay naman kami kasi alam niyang hate na hate ko ang boyfriend niya.

“Hindi na nga niya ipinapakita sa akin, hindi ko nga alam kung nandiyan ba o umalis na.

“Dati kasi, proud na proud siya. Kumakain sa bahay, naabutan ko ang lalaki.

“Okay lang sa akin noong umpisa kasi akala ko naman bisita lang. Aba, lagi nang kumakain!

"'Wala bang pagkain sa bahay ng g*** na 'yan? Bakit dito lumalamon ang g*** na 'yan?

“'Wala bang pera ang g*** na 'yan pangkain sa labas?'

"Doon nag-umpisa ang galit ko."

At para maiwasan na ang alitan nila tungkol dito, hindi na raw dinadala ni Ruffa ang kanyang boyfriend sa mga okasyong kasama ang ina.

Sabi ni Annabelle, “Para hindi kami mag-away, kailangan ilayo sa akin ang lalaki.

“Kaya nga hindi ko alam kung nandito ba siya o umalis na ba siya.

"Basta magkasama kaming buong family, wala na yung guy.

“Dati kasi nandiyan, noong Pasko, nandiyan pa rin.”

Ngayong darating na Pasko, para sigurado, sinabihan daw niya si Ruffa.

“Sabi ko, 'Huwag mong dalhin sa bahay 'yan, kung nandiyan man siya.'

"Para walang gulo, walang away."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN