Kris Aquino hits back at netizens criticizing Derek Ramsay

Kris Aquino hits back at netizens questioning Derek Ramsay's inclusion in the 2015 Metro Manila Film Fest entry All You Need is Pag-Ibig.


Ipinagtanggol ni Kris Aquino si Derek Ramsay mula sa ilang netizens na kinukuwestiyon ang pagpili ng Queen of All Media sa aktor bilang leading man niya sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na All You Need is Pag-Ibig.

Bukod kina Kris at Derek, tampok din sa pelikula sina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Kim Chiu, Xian Lim, Pokwang, at ang anak ni Kris na si Bimby.

Nag-post ng video si Kris ng clip mula sa pelikula sa Instagram kahapon, December 15, na naglalaman ng eksena nila ni Derek.

Sa comment section, binatikos ng isang netizen ang pagpili ni Kris kay Derek bilang leading man niya sa MMFF entry.

Komento nito: "Sa dami ng artistang lalaki sa ABS yang derek na yan pa ang kinuha,sayang!"

Isa pang netizen ang nag-comment at ganito rin halos ang mensahe ng kanyang post, at idinagdag kung bakit nagpa-“pabalik-balik” si Kris kay Derek.

Originally, si Quezon City Mayor Herbert Bautista dapat ang kapareha ni Kris sa pelikula, subalit nakansela ito dahil sa problema sa schedule, lalo pa’t tatakbo si Herbert bilang mayor ng Quezon City sa ikatlong termino sa 2016.

Natuloy ang paggawa ng pelikula at naibalitang si Kris mismo ang pumili kay Derek para maging leading man niya.

Sinagot naman ni Kris ang dalawang netizens.

Hamon ni Kris sa dalawang netizens, magbanggit sila ng isang aktor na “close to my age, believable & most importantly- willing to shoot kahit last minute.”

Isa pang depensa ni Kris, kinailangan din sa leading man ang “fit ang katawan bilang na[g]-Coron kami, & so supportive, shoot agad?”

Grateful daw si Kris kay Derek sa pagpayag nito na gawin ang pelikula.

“It was my privilege to share the screen w/ @ramsayderek11,” sabi ng actress-host.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN