Annabelle Rama says son Richard Gutierrez lay low in his career for Sarah Lahbati's sake

Annabelle Rama on son Richard Gutierrez's showbiz comeback: "Kasi nakita niya sa Sarah [Lahbati, Richard's girlfriend] na stable na. Meron na siyang soap. Permanent na siya sa ASAP at gine-guest siya sa ibang show. Parang meron nang career si Sarah kaya sabi niya, 'Ma, pwede na akong bumalik.'"


Natutuwa si Annabelle Rama na babalik na sa pag-arte ang anak niyang si Richard Gutierrez sa pamamagitan ng TV5 serye na Ang Panday sa 2016.

Si Richard ba mismo ang nagsabi sa kanyang gusto na nitong umarte muli?

Tugon ni Annabelle, “Kasi nakita niya si Sarah [Lahbati, girlfriend ni Richard] na stable na.

"Meron na siyang soap. Permanent na siya sa ASAP at gine-guest siya sa ibang show. 

"Parang meron nang career si Sarah kaya sabi niya, ‘Ma, puwede na akong bumalik.’”

Matatandaang pagkatapos mag-expire ng kontrata ni Richard sa GMA Network noong 2013 ay hindi na naging aktibo ang showbiz career nito.

Si Sarah ba ang matagal na kinunsidera ni Richard kaya nag-lie low sa career niya ang anak?

Tugon ni Annabelle, “Yes. Pangit naman kasi, ‘Day, na siya  merong career, tapos si Sarah, nasa bahay lang. Kailangan si Sarah muna.

"So, noong meron na si Sarah, pinuntahan ko si Boss Vic del Rosario [Viva Films big boss].

“Sabi ko, ‘Boss Vic, ready na si Richard na magtrabaho.’

"Sabi niya, ‘Tamang-tama, kunin ko na Ang Panday. Bilhin ko na ang rights kasi bagay kay Richard yun.'”

Natuwa daw si Richard na magbabalik-teleserye siya sa Ang Panday.

Magiging TV5 talent na ba si Richard?

“Hindi naman, open naman siya,” sabi ni Annabelle.

ASSESSING 2015. Ayon kay Annabelle, ipagdiriwang ng pamilya nila ang Pasko sa  Manila.Pero sa Hong Kong sila
magba-Bagong Taon.

Kumusta ang 2015 para sa kanya?

Tugon ni Annabelle, “May part na malungkot kami, di ba, sa mga nangyayari?

"May part naman na sinuklian naman ng suwerte dahil nagkaroon kami ng reality show [It Takes Gutz To Be A Gutierrez]. So, may gulong konti.

"Pero maganda lang kasi yung aming reality show, very successful.

"Tapos, ire-renew kami ulit for the fourth season. Ia-announce ko pa lang nga yun."

Para na talagang naging Kardarshian ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez dahil nagtuluy-tuloy na ito sa E!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, kami na nga ang Kadarshian ng Asia,” sabi ni Annabelle.

Nararamdaman ba niyang kilala na nga siya sa Asia?

Tugon niya, “Oo, kahit saan kami pumunta.

"Minsan, may babati, Bombay. [Sinasabi niya,] ‘I’m from Jakarta. I love your show.’ 

"Ako kasi, hindi ko  alam. Pero may mga lumalapit talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN