Nangunguna si Pia Alonzo-Wurtzbach, Miss Universe-Philippines 2015, sa listahan ni Miss Universe 2010 Ximena Navarette sa kanyang top picks para sa 64th Miss Universe.
Sa tweet ng former Miss Universe ngayong Huwebes, December 17, inilista ng Mexican beauty queen ang 12 candidates para sa kanyang top contender.
Una nga sa kanyang listahan ang Philippines.
Kabilang din sa kanyang Top 12 ang mga kandidata mula sa Colombia, Dominican Republic, Vietnam, Peru, Chile, Brazil, USA, Venezuela, Australia, at Mexico.
Philippines, Colombia, Dominican Republic, Vietnam, Perú, Chile, Brazil, Usa, Venezuela, Australia y mi México !!!
— Ximena Navarrete (@ximenaNR) December 17, 2015
â��ð��¼Para los que me preguntan mis favoritas para Miss Universo hasta ahora // My favorite contestants so far #MissUniverse ð��� â��ð��¼ï¸ï¿½
— Ximena Navarrete (@ximenaNR) December 17, 2015
Positibo rin ang feedback ng ilang dating kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe sa performance ni Pia sa Preliminary Competition na ginanap nitong Huwebes, December 17 (December 16 sa USA), sa The AXIS, Las Vegas, Nevada.
Kritikal ang pre-pageant competition na ito sa Miss Universe dahil dito matutukoy ang Top 15 candidates na maglalaban-laban sa grand finals.
Sa Lunes, December 21 (December 20 sa US), gaganapin ang grand coronation ng 64th Miss Universe, kung saan 80 naggagandahang kandidata mula sa iba't ibang bansa ang maglalaban-laban para sa prestihiyosong beauty pageant.
Sa pamamagitan ng social media, nagpahayag ng positibong komento sa performance ni Pia sina Janine Tugonon, 2012 Miss Universe 1st runner-up; Ariella Arida, Miss Universe 2013 3rd runner-up; at Mary Jean (MJ) Lastimosa, na nakapasok sa Top 15 noong Miss Universe 2014.
Tweet ni Janine, “very regal” si Pia sa kanyang pagrampa at sobra niyang nagustuhan ang performance ni Pia.
Nagpasalamat naman si Pia kay Janine na tinawag pa niyang “idol”:
@janine_tugonon thank you idol! ��
— Pia Alonzo Wurtzbach (@PiaWurtzbach) December 17, 2015
Sinabi naman ni Ariella na “flawless” ang performance ni Pia.
Flawless performance mars â�¤ï¸ï¿½ð���ð��� @PiaWurtzbach #MissPhilippines #MissUniversePrelims
— Ariella Arida (@araarida) December 17, 2015
Kumpiyansa naman ni MJ Lastimosa na pasok na sa Top 15 si Pia. Pinuri rin nito ang gown na gawa ng Filipino designer na si Oliver Tolentino.
Sure spot Philippines!!!! Pakkkk ang gown :))))
— Mary Jean Lastimosa (@MJ_Lastimosa) December 17, 2015
Matatandaang naging kontrobersiyal ang national costume na isinuot ni MJ noong nakaraang taon dahil marami rin ang pumuna sa kanyang evening gown, dahilan upang isulong ng Filipino beauty-pageant enthusiasts na ang Filipino designers na lamang ang gumawa ng gowns ng mga kandidata ng Pilipinas sa prestigious beauty pageant.