PEP EXCLUSIVE. Melissa Mendez wishes Andrew Wolff and Rey Pamaran “the best of everything”

Isang maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon ang hangad ni Melissa Mendez para sa mga nakaalitang sina Rey Pamaran at Andrew Wolff. Umaasa rin siyang maayos na lahat ng gusot sa kanila sa takdang panahon.


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang veteran actress na si Melissa Mendez, kasama ang apong si Danielle at anak na si Denisse Oca, sa first birthday celebration ng anak nina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses na si Amanda.

Ginanap ang party sa clubhouse ng Green Meadows Subdivision, sa Quezon City, nitong Huwebes, December 17.

Sa gitna ng kasiyahan, nagpaunlak ng panayam si Melissa sa PEP.

Kinumusta namin ang reklamong isinampa laban sa kanya ng negosyanteng si Rey Pamaran, kaugnay sa kaguluhang nangyari sa loob ng eroplano noong March 20, 2015.

Diumano, sinuntok ni Melissa si Rey at isang flight attendant habang nasa biyahe sila papuntang Mindanao base na rin sa post sa
Instagram ni Andrew Wolff, kaibigan ni Rey.

Read: Melissa Mendez offloaded from plane after ’punching’ co-passenger and flight attendants

Ayon kay Melissa, “Wala na. Natapos na yun, e. Okay na.”

Nagkausap na ba sila ni Rey o nagkaroon ng out-of-court settlement?

Sagot ng aktres, “Hindi, pero okay na.”

Dagdag pa niya, “Kami ni Andrew, hindi pa [nagkausap at nagkaayos], pero I wish them well.”

Ngayong magpa-Pasko na, ano ang mensahe ni Melissa sa dalawang nakaalitan niya?

Sabi niya, “Merry Christmas and Happy New Year.

“Wishing  them the best of everything and a prosperous and peaceful new year.”

MAR ROXAS IN 2016. Ngayong papalapit na ang eleksiyon, tinanong namin si Melissa kung sino ang kanyang susuportahang presidential candidate sa 2016 elections.

Aniya, “So far, pinag-iisipan ko pa. Pero sa ngayon, ang naka-impress sa puso ko ay si Mar Roxas.

“Gusto ko siya, lalo na nung nangyari yung kalamidad [Yolanda], nakita ko how affected he was, umiiyak siya.

“He was always there and alam ko yung daan na matuwid na ipagpatuloy niya.”

Bakit ayaw niya kay Senator Grace Poe na galing din sa showbiz?

Tugon ni Melissa, “I have nothing against her [pero] parang feeling ko lang na parang hindi pa hinog.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, abala ang aktres sa teleseryeng Destiny Rose ng GMA Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN