Anne Curtis to spend Christmas in South America with boyfriend Erwan Heussaff

Anne Curtis on secret of strong relationship with boyfriend Erwan Heussaff: “I think it’s just that we both have great respect for each other, and we’re from different worlds—ako from showbiz and siya nasa food industry.”


Masayang ibinalita ni Anne Curtis na sa South America siya magse-celebrate ng Pasko kasama ang boyfriend niyang si Erwan Heussaff at ilang mga kabarkada nila.

Pero hindi raw nila makakasama ang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith.

Ayon kay Anne, “Si Jasmine uuwi ng Australia, so hiwalay kami.

“Ako, I will be with Erwan and mga barkada sa South America.

“Pupunta kami sa Chile, Argentina, at saka Patagonia.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Anne sa studio ng It’s Showtime sa ABS-CBN compound noong Disyembre 15.

Biniro naman ng PEP si Anne na baka honeymoon na nila ni Erwan ang kanilang trip sa South America.

“Hindi siya honeymoon!” sabay tawa ng Kapamilya actress-TV host.

“Nandoon ang barkada namin. Vacation lang siya.”

Five years nang magkarelasyon sina Anne at Erwan. Hindi pa ba sila magpapakasal?

Sagot niya, “Huwag naman muna. Mga ano pa iyan… I think another two to three years.”

Ano ang sikreto kaya nagtatagal ang relasyon nila?

“I think it’s just that we both have great respect for each other, and we’re from different worlds—ako from showbiz and siya nasa food industry.”

Hindi rin daw siya binibigyan ng dahilan ni Erwan para magselos.

“Oo naman. Masaya kami.”

JAPAN TRIP. Samantala, kagagaling lang ni Anne sa Japan. Ano ang ginawa niya roon?

Kuwento niya, “For segment sa It’s Showtime. For Japan’s department of tourism.

“They contacted ABS para ma-feature ang Japan sa show namin and to promote a different side of Japan.

“So, hindi na Tokyo, hindi na Osaka. Shikoku island yung pinuntahan namin.

“Ako lang yung host na nagpunta doon.”

WHAT TO EXPECT IN 2016. Ano naman ang aabangan sa kanya sa 2016?

Sabi ni Anne, “Yung album ko, bagong album ko na self-produced.

“First time iyon at pinayagan ako ni Boss [Vic del Rosario ng Viva].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang title niya, Forever Young.”

Kailan naman ito ire-release?

“Sa birthday ko, sa Feb [February 17],” sagot ng 30-year-old Kapamilya star.

How about teleserye, may gagawin ba siya?

Sabi ni Anne, “Ah… mag-movie na lang.

“Mayroon akong gagawin. Basta hintayin niyo na lang.

“It’s under Direk Ruel Bayani. Co-prod siya ng Star Cinema at Viva.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN