Christi Lynn McGarry finishes 1st runner-up in Miss Intercontinental 2015

Miss Intercontinental 2015 winners: (L-R) Katherine Garcia of Venezuela, 3rd runner-up; Brianne Bailey of USA, 2nd runner-up; Valentina Rasulova of Russia, Miss Intercontinental 2015, Christi Lynn McGarry of the Philippines, 1st runner-up; and Tendai Bongani Humda of Zimbabwe, 4th runner-up.


First runner up sa Miss Intercontinental 2015 si Christi Lynn McGarry ng Pilipinas.

Si Valentina Rasulova ng Russia ang nanalo ng Miss Intercontinental 2015 title.

Second runner-up si Brianne Bailey ng USA, 3rd runner-up si Katherine Garcia ng Venezuela, at si Tendai Bongani Humda ng Zimbabwe ang 4th runner-up.

Ginanap ang coronation night nitong December 18 ng gabi (December 19 ng umaga sa Pilipinas) sa Maritim Congress Hotel, Madgeburg, Germany.

Hindi baguhan sa pagsali sa Miss Intercontinental si McGarry dahil siya rin ang representative ng ating bansa sa Miss Intercontinental 2010 na ginanap sa Dominican Republic noong November 6, 2010.

Hindi pinalad si McGarry na makuha ang title pero nakasama siya sa Top 15 semi-finalists.

Nang sumali si McGarry sa Binibining Pilipinas 2015 noong March 15, siya ang nag-uwi ng Bb.Pilipinas-Intercontinental title kaya nagkaroon ng kontrobersiya dahil naging contestant na siya sa naturang international beauty contest noong 2010.

Hindi binawi ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI), ang organizer ng Binibininh Pilipinas, ang kanilang desisyon.

Sa pamamagitan ng isang official statement, ipinahayag ng BPCI na:

“All the winners of the Bb. Pilipinas 2015 pageant will keep their respective and original titles. Contrary to speculations, there will be no switching of titles following questions about the crowning of Bb. Pilipinas-Intercontinental Christi Lynn McGarry. McGarry is still eligible to compete in the Miss Intercontinental 2015 pageant.”

Hindi nagkamali ng desisyon ang BPCI at hindi nabalewala ang muling pagsali ni McGarry sa Miss Intercontinental dahil siya ang first runner-up at recipient ng special award na Miss Intercontinental Asia & Oceania.

Si Jonas Gaffud ng Mercator ang mentor ni McGarry.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN