Alden Richards and Maine Mendoza not afraid of sawa factor

“Kung ayaw na po nila, okay lang. Kung marami pa rin pong sumusuporta, then, thank you very much po,” sagot ni Alden Richards nang tanungin kung may takot sa kanila ni Maine Mendoza kung sakaling magsawa na ang publiko sa tambalang AlDub.


Tuloy ang kulitan nina Alden Richards at Maine Mendoza kahit sa likod ng camera, isang patunay kung gaano na sila kakumporatble at kalapit sila sa isa't isa.

Sa ginanap na press conference ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na My Bebe Love sa Marco Polo, Davao City, kahapon, December 18, kapansin-pansin ang kulitan ng dalawa habang sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at direktor nilang si Jose Javier Reyes ay sumasagot sa katanungan ng local reporters.

“Wala naman pong pinagbago,” tugon ni Alden nang tanungin tungkol sa relasyon nila ni Maine.

Dagdag pa ng Kapuso actor-TV host, “Parang what you see is what you get from us.

"Kung ano yung ipinapakita namin sa Kalyeserye, parang ganun na rin kami off cam, kasi that's how comfortable na kami to each other.

“Makulit siya katrabaho, pero I'm seeing that she's enjoying what she has now.

“That's what's good about being part of the industry, you enjoy what you do.

“If not, it will get the best of you and you'll feel being burned out.”

SAWA FACTOR. Halos araw-araw nang nagkakasama sa Eat Bulaga! ang love team nina Alden at Maine, na mas kilala bilang AlDub. Mas napadalas pa ito nang gawin nila ang pelikulang My Bebe Love.

Kaya naman natanong ng isang local reporter kung hindi ba sila nag-aalala na baka magsawa na ang publiko sa kanilang love team.

Agad na sagot ni Alden, “We do not fear na magsawa sa amin ang audience kasi it's always up to them.

“It's always up to the audience if they want to support any love team or any artist in the industry.

“Kumbaga, wala naman pong pilitan. Kung ayaw na po nila, okay lang.

"Kung marami pa rin pong sumusuporta, then, thank you very much po.”

Pero personally, ani Alden, “Wala pong fear about that kasi we enjoy what we're doing ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang kung magsawa man po ang mga manonood sa amin, at least napasaya namin sila.”

Sinang-ayunan naman ito ni Maine.

Aniya, “Tulad po ng sinasabi sa amin ni Direk Joey, kami po muna ang magsasawa sa sarili namin.”

Nang may natanong kung nagsasawa na ba sila isa't isa, pabirong sagot ni Maine, “Sawang-sawa na po kami sa sa isa't isa!”

Sabay dagdag niya, “Pero siyempre po, nag-e-enjoy naman kami sa ginagawa namin every day. Wala pong pilitan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN