Spain wins Miss World 2015; Philippines' Hillarie Parungao among Top 10

Philippines' Hillarie Parungao scored a total of 467 points at Miss World 2015's preliminary events securing her spot on the pageant's 11 semifinalists. Meanwhile, Spain's Mireia Lalaguna Royo (inset) was hailed as this year's Miss World.


Hindi nakapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas sa Miss World 2015 na si Hillarie Parungao, ngunit nakasama naman siya sa Top 11 semifinalists.

Ipinasa na ni Miss World 2014 Rolene Strauss ng South Africa ang kanyang korona sa kandidata mula sa Spain na si Mireia Lalaguna Royo na siyang itinanghal na Miss World 2015.

Ginanap ang grand coronation ng Miss World 2015 sa Beauty Crown Theater sa Sanya, China, ngayong Sabado ng gabi, December 19.

Ang kandidata mula sa Russia na si Sofia Nikitchuk ang 1st runner-up habang 2nd runner-up naman Maria Harfanti mula sa Indonesia.

Kabilang naman sa Top 5 sina Miss Jamaica Sanneta Myrie at Miss Lebanon Valerie Chacra.

Isa-isang sinagot ng Top 5 candidates ang tanong kung bakit sila ang dapat manalo sa beauty pageant na ito.

Ang buong sagot ni Miss Spain: "Just because I am beautiful on the outside does not mean I am not beautiful on the inside.

"I think I should be the next Miss World because I believe in strong women.

"I also think I have something inside my heart that I always try to give the best of me.

"I also believe in Beauty With A Purpose and want to continue its legacy. We can find happiness in helping each other."

Hindi man nakapasok sa Top 5, isa si Hillarie sa maituturing na strong contenders sa korona nang makakuha siya ng total score na 467 points mula sa iba't ibang fast track challenges; kabilang ang Top Model, Beauty With A Purpose, at Sports & Fitness.

Si Hillarie rin ang nakakuha ng Multimedia Award na nakatulong upang tumaas ang kanyang scores.

Bukod kay Hillarie, pasok din sa semifinals ang mga kandidata mula sa France, South Africa, Australia, at Guyana.

Nakuha naman ng kandidata mula sa Vietnam ang People's Choice award kaya nakapasok din siya sa semifinals.

Ang Miss World 2013 na si Megan Young ng Pilipinas ang isa sa naging host ng pageant, kasama ang Welsh actor-TV presenter na si Tim Vincent at Taiwanese-Canadian actress/host na si Angela Chow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN