John Lloyd Cruz not concerned about MMFF box-office success

John Lloyd Cruz on feeling the right time to settle down: "Kung mangyari, sobrang fresh, sobrang magical."


“Mangyayari ang Pasko. Hindi puwedeng awatin ang Pasko!”

Ito ang natatawang litanya ni John Lloyd Cruz nang pilit itong tinatanong kung ano ang gagawin niya ngayong Pasko, lalo pa nga’t nalaman naming hindi niya makakasama ang girlfriend na si Angelica Panganiban dahil sa Japan daw siya magki-Christmas kasama ang kanyang pamilya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na  Honor Thy Father sa Valencia Events Place, Quezon City noong December 17.

At dahil unang MMFF entry niya ang  Honor Thy Father, excited daw si John Lloyd para dito, lalo na sa parade of stars na magbubukas sa taunang event na ito.

Ani John Lloyd, “Puwede ko bang ma-miss yun?

“Hindi buo ang experience kapag wala yun. I’m very excited na pumarada at sumakay sa float.”

MMFF BOX-OFFICE PERFORMANCE NOT AN ISSUE. Nilinaw rin ni John Lloyd na hindi niya iniisip  ang komento ng marami na posible siyang tanghaling MMFF Best Actor ngayong taon.

Ni hindi rin daw niya inaalala ang box-office performance ng pelikula niya.

Pag-amin ni John Lloyd, “More than anything talaga, it’s not the award, it’s not the box-office success,
hindi ang kita.

“Ang sa akin, excited ako sa fact na may ganitong tema ng pelikula ng MMFF.

“Gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience, especially audience ng MMFF. Parang sila yung representative talaga.”

Aminado rin ang aktor na gusto niyang gumawa ng mga pelikulang mas seryoso ang tema.

Sabi niya, “After a while in the business, nag-e-evolve siya.

“Nagkakataon lang siguro na dun ako tinatangay. Dun napupunta yung mga ginugusto ko.

“Hindi naman din ibig sabihin na hindi na ko gagawa ng mga feel-good movies natin.

“Balance, I guess. At saka variety.

“Baka rin naman kasi magsawa yung mga tumatangkilik sa iyo o nanonood ng sine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EVOLUTION AS AN ACTOR. Naniniwala si John Lloyd na bilang Box-Office King, tatangkilikin at susuportahan ng mga manonood ang kung anuman ang gusto niyang gawin at ibigay para sa kanila.

Ayon kay John Lloyd, “Alam mo, at the end, it’s film, it’s cinema.

“And sa napakalaking medium ng sining, kumbaga, malaking pabor na lang kung marami ang tatangkilik.

“But to be here, to be part of it na nae-exercise mo kung paano yung part mo sa sining ng pelikula, yun ang pinaka-takeaway ko sa movie siguro.”

Ano ang reaksiyon ni John Lloyd sa obserbasyon na napatunayan na niya ang pagiging Box-Office King niya dahil nakapag-break  ng record sa takilya ng lahat ng non-MMFF movies ang pelikula nila ni Bea Alonzo na A Second Chance?

Saad niya,  “Ako, I can only hope for the best.

“Pero ako kasi, kahit ano naman ang ginagawa kong pelikula, palagi kong iniisip, gawa muna ng matinong pelikula and wait, tingnan mo muna if you can be proud of it.”

APPREHENSION. Mas may kaba ba siya ngayon na mas seryoso ang tema ng pelikula niya sa MMFF kumpara sa rom-com movies na subok na niya?

Aniya, “Ang kaba naman, kahit saan, meron.

“Kahit itong A Second Chance, hindi naman namin in-expect na ganun.

“In the end, hindi mo talaga masusukat ang audience.”

BACK TO TELESERYES IN 2016? Marami na rin ang may gustong makita uli si John Lloyd sa teleserye.

Mapapanood ba siyang mapanood muli sa isang Kapamilya teleserye sa 2016?

“Well, yung sa planning kasi, sila [network] ang gumagawa.

“Siyempre, may commitment tayo sa kontrata natin. Kaya kailangan nating i-honor yun.

“Siguro, ang napapansin ko lang sa akin, palagi lang akong naghahanap ng... kahit na anong gawin ko, dapat gustung-gusto ko siya,” giit niya.

TIME MANAGEMENT. Sa usaping puso, paano nababalanse ni John Lloyd ang career niya at love life nila ni Angelica?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktor, “At the end, pareho-pareho lang ‘yan.

“Management lang ‘yan, kung paano niyo mama-manage.

“Medyo mahirap talaga, but I’m sure, kahit naman sinong tao na nagta-trabaho, may career, nakaka-relate rin dun.”

FAMILY'S BLESSINGS FOR FUTURE WIFE. Ngayong 32 na siya, naniniwala ba si John Lloyd na dapat pa rin  niyang i-honor ang gusto ng mga magulang sa kung sino ang dapat niyang mapangasawa?

“Wow!” nangiting sagot ng aktor.

Dagdag niya,“Ang tingin ko riyan, kung sino ang mapapangasawa mo, kung sino ang mamahalin mo, e, mahalin din nila or in the same way na dapat, may blessing nila.

“Dapat yata yun, malinaw sa inyong pamilya kung ano ang katanggap-tanggap. I don’t know. Never kong naisip yun, e.”

Inayawan na ba ang mga magulang niya ang babaeng nagugustuhan niya?

Tugon ni John Lloyd, “Wala pa naman, kasi wala pa namang pagkakataon na parang magiging asawa ko na. Wala pa, e.”

May time frame ba siya sa pag-aasawa?

“Wala pa, wala pa, e.

“Mahirap siya kasi, it’s not in the horizon,” lahad ni John Lloyd.

Pareho raw silang naka-focus ni Angelica sa trabaho.

Ani John Lloyd, “It’s work season for us.

“Well, it has been for quite a while, magmula noong mag-soap siya.

“Noon lang din siya nakakuha ng break, kasi kailangan din naman sa istorya nila or something.

“So ako naman, nung magpunta siya ng New York, may tinatapos naman akong pelikula."

Mas tumatatag ba ang relasyon nila ni Angelica?

Nakangiting saad ng aktor, “Okey naman.

Pabiro siyang humirit ng, “Hindi ba kayo updated?”

RIGHT TIME TO SETTLE DOWN. May tina-target ba siyang financial status bago magpakasal?

Sagot ng aktor, “Parang I’d like to believe na walang ganun.

“Na it’s going to happen as organic as it is in my head. Na parang kapag naramdaman mo, nandun na ang moment, dun siya lalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo ideal ako sa ganung aspeto.”

Ano ang makakapagsabi sa kanya na, “Puwede na, okey na ‘kong magpakasal?”

Tugon ng aktor, “Tingin ko, it’s the right moment, a matter of time and discovering for yourself na yun na yung moment na yun, and actually believing in that moment.

“Ganun naman talaga, di ba?

“Dapat hindi mo yun alam. Para kung mangyari, sobrang fresh, sobrang magical.”

UNMINDFUL OF BREAKUP RUMORS.  Dahil hindi sila magkasama ni Angelica ngayong Pasko, inaasahan ba ni  John Lloyd na iisipin ng iba na hindi sila okey o hiwalay na sila ng girlfriend?

Ayon kay John Lloyd, “Parang may idea na tayo kung paano mag-isip ang tao, e.

“Like nung isang beses, nagpunta kami ng Singapore, may balitang nagpalaglag.

“I don’t know. Ikinagugulat ko na ngayon ko lang naririnig.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN