(UPDATED) Pia Wurtzbach makes it to Final 3 of Miss Universe 2015; Pauleen Luna shows support for her best friend

Eat Bulaga! host Pauleen Luna expresses support for her best friend and Miss Universe 2015 candidate Pia Wurtzbach through an Instagram post wherein she asked her followers to vote for Philippines’ representative.


Pasok sa Final 3 ng Miss Universe 2015 ang kandidata ng Pilipinas na si Pia Alonzo Wurtzbach.

Ibig sabihin ay malaki ang tsansang siya ang tangahling ikatlong Miss Universe mula sa Pilipinas; pagkatapos ng apat na dekada.

Huling napanalunan ng Pilipinas ang Miss Universe crown noong 1973 nang magwagi si Margie Moran.

Ang una namang Pinay na nanalong Miss Universe ay si Gloria Diaz noong 1969.

Ang iba pang mga nakasama sa Final 3 ay sina Olivia Jordan ng USA at Ariadna Gutierrez ng Colombia.

Nakabilang sa Final 5 ang mga kandidata mula sa France at Australia.

Ginaganap sa Las Vegas, Nevada, ngayong Linggo ng gabi, December 20 (Lunes ng umaga, December 21, sa Pilipinas) ang Miss Universe 2015.

Ang mga nakapasok naman sa Top 10 ay ang mga kandidata mula sa Japan, Thailand, Dominican Republic, Curacao, at Venezuela.

Nakabilang sa Top 15 ang mga kandidata mula Brazil, Indonesia, Belgium, South Africa, at Mexico.

Si Pia ang nanguna sa online voting sa swimsuit at evening gown competitions.

Samantala, nagpakita ng suporta ang Eat Bulaga! host na si Pauleen Luna para sa matalik niyang kaibigan na si Pia.

Matatandaang kahapon ay nag-post si Pia sa kanyang Instagram at humingi ng tulong sa AlDub Nation para iboto siya sa darating na pageant.

Sa kanyang Instagram post kanina, ikinampanya ni Pia ang kanyang best friend para iboto ito ng sambayanan, lalo na’t delayed ang telecast ng Miss Universe 2015 dito sa Pilipinas.

Kinakailangan kasing iboto si Pia online ng kanyang supporters habang nasa stage ang kandidata.

Saad niya sa kanyang post, “TOMORROW IS THE BIG DAY!

“We are asking for your support for our representative, Bb. Pilipinas Pia Wurtzbach for Miss Universe! Vote for her tomorrow!

“For those na hindi makakapanood ng live, i will post an instagram photo that says “VOTE NOW” so we all know na nasa stage sya ng mga panahong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But for now, you can register at missuniverse.com.

“Please support one of my bestfriends. Your effort
will be GREATLY appreciated!!

“Good luck Queen @piawurtzbach WE LOVE YOU!”

Agad ding nag-post si Pauleen sa Instagram nang pumasok sa Top 15 at Top 10 si Pia.

TOP 15!!!!! OMG!!!!! I'm crying!!!!!

A video posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on

THANK YOU LORD!!!!! Top 10!!!!

A video posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on

Naging matalik na magkaibigan sila Pia at Pauleen dahil nagkasama sila noon sa ABS-CBN kung saan pareho silang naging miyembro ng Star Magic. Nagkasama rin sila sa 2005 sitcom na Bora: Sons of the Beach.

Kaya naman damang-dama raw niya ang stress sa pagsali ni Pia sa Miss Universe 2015.

STRESS!!!! Parang ako ang kasali sa Miss Universe!!!! #LabanPiaPinas #MissUniverse

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN