Dingdong Dantes, Marian Rivera allow social media accounts dedicated to Maria Letizia

Dingdong Dantes on marriage with Marian Rivera: “Malaking bagay na si God is always a center palagi ng relationship. Kasi kung kami lang siguro yun, kung padalus-dalos kami ng pagdesisyon at kung ano man, maaaring hindi ganito ang kalabasan. So, may guidance talaga. Yung marriage na pinasok namin, yun talaga yung isa sa pinakamalaking impluwensiya sa amin—yung inspirasyon Niya.”


Hindi raw ipinagbabawal ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang paggawa ng social media accounts para sa kanilang anak na si Maria Letizia.

Ayon sa Kapuso Primetime King, may nakausap na silang dalawang administrators ng social media account ng kanilang anak, at maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.

Okay lang naman daw iyon, basta huwag lang babuyin, at linawing naka-dedicate lang ito para kay Baby Letizia.

Pahayag ni Dingdong, “Basta masasabi namin na yung support nila sa family namin ay intact.

“So, whether nakilala namin sila noon o ngayon lang dumating si Letizia, nag-signify naman sila ng appreciation at saka support.

“Most likely, we’re on the same page.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa Final Judgment ng StarStruck 6 noong Sabado ng gabi, December 19.

Hindi na raw inalam o tsinek pa ni Dingdong ang ilang social media accounts para sa kanilang anak, basta huwag lang i-claim ng mga ito na sa kanilang anak talaga iyon.

Aniya, “Okay lang kung updates lang.

“Basta ang klaro lang naman, yung mabigyan siya [Baby Letizia] later on, yung malaki na siya, na gusto na niya magka-account.

“Kasi, for all you know, baka ayaw din niya.”

Patuloy ni Dingdong, “As long as magamit lang sa tama.

"Like what I said, kung talagang dedicated for her for updates, okay lang naman yun.

“Huwag lang i-claim na yun na yung account niya, na kami ang nag-administer.”

PRIVACY. Hindi naman daw nila iniisip ni Marian na kailangan mapanatili ang privacy ng kanilang anak. Depende raw kung gusto nilang ilabas ang ilang litrato ni Baby Letizia sa araw na yun.

“Parang ayaw naman naming planuhin, e, kung papano namin siya gagawin.

“Basta kung ano yung feel namin sa mga araw na yun, kung ganun lang, e, di hanggang ganun lang din.

“Kasi hangga’t maaari, gusto naming maging normal lang na yun mga pictures na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, ako, araw-araw halos isandaang litrato ang kinukuha ko.

“So, minsan type ko mag-post, minsan hindi. Depende sa feel, e,” saad ng Kapuso actor-TV host.

Ipinasilip sa amin ni Dingdong ang ilang kuha niya sa anak nila ni Marian, at ang napansin namin, parang kamukha na niya ang bagets.

Pero sabi ni Dingdong, mas gusto niyang habang lumalaon ay maging kamukha ni Marian.

“Naniniwala pa rin ako na pag tumagal, mas nagiging kamukha niya yung nanay niya.

“She got it from her mom,” nakangiting sabi niya.

ON LEAVE. Lalo na ngayong naka-focus daw talaga si Marian sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Naka-on leave daw ang Kapuso Primetime Queen hanggang February next year kaya nakatutok lang ito kay Baby Letizia.

“Talagang dedicated talaga siya sa ano… sa pagbi-breastfeed.

“Wala siyang ibang priority ngayon kundi yun, nakakahanga talaga,” pakli ni Dingdong

Naniniwala ang aktor na lahat ito ay blessings mula sa Diyos na itinuturing niyang nagbigay inspirasyon sa kanilang mag-asawa.

“Yung timing kasi ng ginawa namin lahat, alam naming may guidance talaga ng Higher being.

“Malaking bagay na si God is always a center palagi ng relationship.

"Kasi kung kami lang siguro yun, kung padalus-dalos kami ng pagdesisyon at kung ano man, maaaring hindi ganito ang kalabasan.

“So, may guidance talaga.

“Yung marriage na pinasok namin, yun talaga yung isa sa pinakamalaking impluwensiya sa amin—yung inspirasyon Niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN