Kris Aquino impressed by Pia Wurtzbach's stand on US bases in the Philippines

Kris Aquino on Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach's answer about the US bases in the Philippines: "I agree with her. Naku, magagalit na naman kayo sa akin… Because in a world where China is so strong, we need them [USA], kailangan natin sila, let’s be friendly with them. Tama siya na sinagot niya yun. Tama naman siya, e, majority of the Pinoy, we love them, we love Americans."


Masaya ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa pagkapanalo ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015 na ginanap sa Las Vegas, Nevada, nitong Biyernes ng gabi, December 20 (Lunes ng umaga, December 21, sa Pilipinas).

Ayon sa Queen of Talk, deserving talaga si Pia na manalo sa pageant.

“Magpakatotoo tayo, tayo yung maganda ang sagot, di ba?

“And yung ano also, I don’t know why, pero ang nanalo talaga, yung the one who looked different from everybody else.

"Lahat sila big hair, eto class.

“And, finally, Pinoy designer na ang ginamit!

"At least nga, ito, forever nasa history ng Miss Universe, tumatak na tayo.

“Sad lang talaga yung moment tapos may nag-boo and all, pero that’s life.

"When you join a competition, there will be winners, there will be losers. Thank God, tayo ang winner.”

Si Pia ang ikatlong Pinay na nanalong Miss Universe; pagkatapos nina Gloria Diaz noong 1969 at Margie Moran noong 1973.

PIA'S ANSWER. Nagbigay rin ang 44-year-old TV host-actress ng kanyang opinyon tungkol sa sagot ni Pia kung pabor ba siya sa presence ng US military base sa Pilipinas.

Sagot dito ni Pia: "I think that the United States and the Philippines has always had a good relationship with each other. We were colonized by the Americans and we have their culture and our traditions even up to this day. And I think we're very welcoming with the Americans and I don't see any problem with that at all."

Pahayag ni Kris tungkol sa naging sagot ni Pia, “Sabi ko, ang tapang niya, kasi about the ano, US bases, ang tapang niya!

“Pero I agree with her. Naku, magagalit na naman kayo sa akin…

Paliwanag niya, “Because in a world where China is so strong, we need them [USA], kailangan natin sila, let’s be friendly with them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tama siya na sinagot niya yun.

"Tama naman siya, e, majority of the Pinoy, we love them, we love Americans.

“Yung second na sinabi niya about HIV awareness, totoo din naman talaga, kasi ang nangyayari ngayon, because may promiscuity.

"Di ba, ang sinabi nila, pag malala daw yung pagse-share ng needles, kumalakalat. Bongga na nasabi niya yun.

"Tapos ang galing niya, yung ‘The world, I meant the universe.’ Gusto ko siya!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro media si Kris sa kanyang solo press conference para sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na All You Need Is Pag-ibig, kung saan isa siya sa mga bida.

DEFENDING HARVEY. Ipinagtanggol naman ni Kris ang host ng Miss Universe 2015 na si Steve Harvey.

Nagkamali kasi ang American TV host-actor sa pag-anunsiyo ng nagwagi nang tawagin niya si Miss Colombia Ariadna Gutierrez.

Subalit pagkatapos ng ilang sandali ay itinama niya ang sarili at inanunsiyong si Miss Philippines ang talagang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant.

Read: Miss Universe 2015 host Steve Harvey apologizes for "honest mistake" in announcing the winner

Ayon kay Kris, “That really happens, ide-defend ko si Steve Harvey, kasi ilang times na kaming nag-PGT [Pilipinas Got Talent].

"Tapos ilang times normally kasi ang sasabihin sa 'yo, 'Ia-announce mo yung winner.'

“Siguro siya, hindi na-briefing nang maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN