Pauleen Luna on best friend Pia Wurtzbach's Miss Universe win: "You totally deserve this!"

Pauleen Luna to best friend Pia Wurtzbach: “CONGRATULATIONS MISS UNIVERSE! I am equally proud of you before as I am proud of you now. You have such a good and kind heart. You totally deserve this! Congratulations P! Love you!”


Si Pauleen Luna ang isa sa pinakamasigasig sa pagkampanya para sa laban ng best friend niyang si Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen habang nakatutok sa naturang beauty pageant kaninang umaga, December 21.

Sa cable channel na Star World nanood si Pia dahil dapat real time daw para makaboto siya tuwing lumalabas ang Miss Philippines.

Iyon lang daw kasi ang pagkakataong makaboto habang rumarampa ang kandidata. Kaya laging hawak ni Pauleen ang phone para paglabas ni Pia ay nakakaboto siya agad.

Nasa Instagram account ni Pauleen ang update sa nangyayari sa Miss Universe pati ang reaksiyon nilang mag-anak habang pinapanood ito sa TV.

Pagkatapos nahirang na Miss Universe si Pia, nag-text daw siya agad sa kanyang best friend para i-congratulate ito.

Kuwento ni Pauleen, “Tinext ko siya after ng laban, pero hindi ko naman ini-expect na i-reply niya agad.

“Ang nakausap ko ang mga barkada namin na nandun.”

PAULEEN'S WEDDING. Kung hindi lang ikakasal si Pauleen, dapat ay pupunta raw sila ng mommy niya sa Amerika para suportahan si Pia sa laban nito sa Miss Universe.

Bago raw umalis si Pia patungong Las Vegas ay nagkausap daw sila.

Si Pia ang isa sa mga bridesmaid sa kasal ni Pia kay Vic Sotto, at sinabihan na raw niya ang kaibigan na okey lang kahit hindi ito makarating sa wedding niya next year.

“Parang kini-claim ko na kasi na huwag na siyang pumunta sa wedding para manalo siya.

“Sabi ko sa kanya, okay lang, walang pressure, basta mag-Miss Universe lang siya!” natatawang kuwento ni Pauleen.

Hindi raw nag-e-expect si Pia na makuha ang korona kaya nangako itong babalik agad para makadalo sa kanyang kasal.

Pero si Pauleen daw ay tinitiyak sa kanyang maiuuwi nito ang korona.

Ngayong si Pia na nga ang Miss Universe, hindi raw alam ni Pauleen kung makakadalo pa ang best friend sa kanyang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero okay lang daw dahil nakaputong na kay Pia ang korona ng Miss Universe.

INSTAGRAM POST. Mula nung bata pa sina Pauleen at Pia ay magkaibigan na raw sila nang nagkasama sila sa workshops sa ABS-CBN.

Kaya naman emotional si Pauleen sa ipinost niya sa kanyang Instagram account na litrato nila ni Pia nung bata pa sila.

Nasa caption nito: “You were 12 and I was 13. We had nothing but BIG dreams. I remember we would choose to buy food in Mini Stop instead of Brother’s Burger in ABS because we only had little money. We would patently go to workshop every single day
because we wann be big stars!

“We would wait for hours at taping because our scenes were only very few. We even shared one role in a movie. I will never forget those days. Simple and days made up of dreams.

“And now, it’s so nice to know that we’ve both come so far. We’re both blessed, in our own way, and I must say, 2015 is both our year! I am very glad also that you have found a deep relationship with the Lord.

“CONGRATULATIONS MISS UNIVERSE! I am equally proud of you before as I am proud of you now. You have such  a good and kind heart. You totally deserve this! Congratulations P! Love you!”

You were 12 and I was 13. We had nothing but BIG dreams. I remember we would choose to buy food in Mini Stop instead of Brother's Burger in ABS because we only had little money. We would patiently go to workshop every single day because we wanna be big stars! We would wait for hours at taping because our scenes were only very few. We even shared one role in a movie. I will never forget those days. Simple and days made up of dreams. And now, it's so nice to know that we've both come so far. We're both blessed, in our own way, and I must say, 2015 is both our year! I am very glad also that you have found a deep relationship with the Lord. CONGRATULATIONS MISS UNIVERSE! I am equally proud of you before as I am proud of you now. You have such a good and kind heart. You totally deserve this! Congratulations P! Love you! @piawurtzbach ????

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on

PREMONITION. Ilang oras pagkatapos ng Miss Universe ay parang nasusuka pa rin daw si Pauleen nang nakausap ulit namin.

“Hanggang ngayon, nasusuka pa rin ako sa stress,” pakli nito.

Habang hinihintay ang announcement ng winners, tinawagan pa raw siya ni Vic para kumustahin si Pia.

Naglalaro raw si Vic ng golf nung oras na iyon.

“Tumawag nga si Vic sa akin bago yung announcement, naka-hole in one siya.

“Sabi ko, ‘Wow, mukhang maganda ang pangitain nito, ha. Baka manalo din si Pia.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun na nga!” tuwang-tuwang kuwento ni Pauleen sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN