Kris Aquino approves of Pia Wurtzbach for PNoy; but she says, "I don't think she liked Noy!"

Kris Aquino revealed that she liked Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach for her brother Benigno "Noynoy" Aquino III. However, she said, "Pero I don’t think she liked Noy. No, you know why, hindi naman sa… I think she entertained him. But the thing is, you can tell from her character, e. Single-minded. So, kinailangan, ito ang focus ko muna. Grabe naman, di ba, nangalahati ang katawan, at lahat ng training na pinagdaanan!”


Ayon kay Kris Aquino, gusto na niya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nung mga panahong na-link ang beauty queen sa kanyang kapatid na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Kuwento ni Kris, “Ito, sabihin ko lang, ha, all of us, kaming mga sisters from before pa, we liked her noong naru-rumor that they were dating.

“Because, one, she could’ve easily denied because that was the time na yung SAF, big deal, and Noy was being hit left and right but she spoke up for him.

“Kaya sabi ko, ‘Ay, matapang itong girl na ito!’ Di ba? Yung hindi nang-iiwan. Hindi nagde-deny!

"Kaya good for her, bongga!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Kris sa solo presscon niya para sa MMFF 2015 entry na All You Need Is Pag-ibig, na ginanap sa mismong bahay niya ngayong Lunes ng hapon, December 21.

May miyembro rin ng press na nagpaalala kay Kris na nabanggit niya noon na gusto niya si Pia.

Saad naman ng Queen of All Media, “Oo naman, pero I don’t think she liked Noy.”

Subalit agad niyang nilinaw ang kanyang sagot.

“No, you know why, hindi naman sa… I think she entertained him.

“But the thing is, you can tell from her character, e. Single-minded.

“So, kinailangan, ito ang focus ko muna.

"Grabe naman, di ba, nangalahati ang katawan, at lahat ng training na pinagdaanan!”

Pagbubunyag pa ni Kris, pinadalhan daw ni PNoy si Pia ng bulaklak bago ito umalis.

“Pero, di ba, pinadalhan ng flowers bago umalis?

“Gusto ko nga alamin kung nag-text, e!” natatawang sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN