Kris Aquino says building a bridge between Bimby and James was the best thing she did for love

Kris Aquino: "Yung sa akin lang kasi talaga is that parenting is not posting on Instagram. Parenting is also not because fans pressured you to go. Parenting is an effort that you do because you want to do it, because you love your child."


Marami nang nagawa si Kris Aquino sa ngalan ng pag-ibig.

Pero ang best thing na nagawa raw niya so far ay tungkol sa relasyon ng bunsong anak na si Bimby Aquino Yap at ang ama nito, ang basketball star na si James Yap.

Ani Kris, “Siguro the best thing I did [for love]... not love in a romantic sense, ha, pero love for my son, was to build the bridge with the dad.

"Kasi ang hirap, a... mahirap talaga pag naghiwalay, alam niyo yun.

“Ang hirap to be civil, lalo na kung ang dami mong gustong sabihin na lang.

"Pero you control yourself para hindi lumaki ang gulo. Tapos, yung parang ang daming nangingialam, yung ganun.

“Pero gagawin mo kasi doon sa mahahalagang occasion ng buhay ng anak mo.

"Gusto mo naman na nandoon, and it means in-invite mo.

"Kung pupunta, good. Kung hindi pupunta, hindi ka puwedeng balikan na hinarang mo, e, di ba?

“Yung akin lang kasi talaga is that parenting is not posting on Instagram.

"Parenting is also not because fans pressured you to go.

"Parenting is an effort that you do because you want to do it, because you love your child.

“Siguro iyon. Lulunukin mo na lang for the sake of peace, kasi ayaw mong may kulang sa anak mo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Kris sa kanyang solo presscon para sa pinagbibidahang pelikula na All You Need Is Pag-ibig, entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Ikinuwento ni Kris na tinanong niya si Bimby kung gusto niyang nandoon ang Daddy James niya.  

Ani Kris, "Pero nung tinanong ko siya, sabi ko, 'Bimb, you want?'

"Sabi niya, 'It's okay, Mama.'

"Sabi ko, 'You know, Bimb, kailangan para at least iba rin naman na may pictures kang makita.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang. In time also naman.

“Parati kong sinasabi, ang bait nitong batang ito.

"Yung mga kapatid ko nga sinasabi, 'Yung pinaka-brat sa atin, naka-produce ng pinakamababait na mga anak. Paano nangyari iyan? Oo, ironic. May ganun ka talaga na mabait sa nanay, masunurin, mabait sa lahat, nagse-share and all. How did you do it?’

“Sabi ko, 'Hello, ang mom [ang yumaong dating Pangulong Cory Aquino].'

"Iyon ang gagawin mo talaga, I think, for love, para lang sa anak, gagawin mo iyon."

JOSH AND BIMBY. Ipinaliwanag ni Kris na iba ang naging sitwasyon sa pagpapalaki niya sa panganay na anak na si Josh at sa kapatid nitong si Bimby.

"Explain ko lang, ha. Kasi people are asking me, 'Bakit kay Josh, hindi ganyan?'

“When Josh was really growing up, my mom was there.

"Yung parang my mom would take care of everything for me. Talagang I was so busy working.

"Pero every day, may kasabay siyang kumakain ng dinner, may nagtu-tutor, and all this.

“Six  years ago, Kuya [Josh] was 14. So, all those formative years buo, kasi may lola.

"So, ngayon, kaya ko ginagawan ng paraan.

“Pero I can only do so much, ha. Alangan naman kaladkarin ko pa o ako pa ang mamilit, kung hindi naman kusa. Tantanan na rin ako.

“Huwag niyong palabasin na ako yung bad kung ikaw mismo wala ka namang ginagawa. It takes two [to tango]."

Si Josh ay anak ni Kris sa dating karelasyon na si Phillip Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN