PNoy gets teased about Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

President Benigno "Noynoy" Aquino III gets teased about Pia Wurtzbach during the signing of 2016 national budget earlier today, December 22.


Hindi maiwasang tuksuhin si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ito ay sa kadahilanang hindi lingid sa kaalaman ng publiko na minsan nang napabalitang nagde-date ang dalawa.

Kaya sa budget meeting sa Malacañang ngayong araw, December 22, kakaiba ang pagbating natanggap ni PNoy mula kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Pahayag ni Ochoa bago ianunsiyo ang pagdating ni PNoy, “Isang Miss Universe na umaga sa inyong lahat!"

Bagay na ikinatawa ng ibang personalidad na alam ang tungkol sa pagkakaugnay ng presidente sa bagong hirang na Miss Universe titlist.

Sagot ni PNoy, base sa ulat ng ABS-CBN News Online, “Executive Secretary at kumpare ko pa na nagmula ang relasyon natin sa ating mga magulang, sinira mo itong araw na ito.”

FLOWERS FROM PNOY. Bago pa lumipad patungong Las Vegas si Pia ay nakatanggap ng bouquet of flowers ang beauty queen na may kalakip na handwritten note mula kay PNoy.

Kuwento ni Pia sa panayam sa kanya ng Tonight With Boy Abunda noong November 27: “I couldn't even wait to find out who it was from...

“So, I opened it right away, and it's there. It was handwritten as well.”

Ayon pa kay Pia, masaya siyang makatanggap ng bulaklak mula sa Pangulo ng Pilipinas kahit na magkaibigan lang sila.

Pahayag ng 26-year-old beauty queen patungkol kay PNoy, “I didn’t even Instagram it or anything.

“Ang pagkakakilala kasi niya sa akin, I don’t really reveal much about him.

“I respect him in that way.

“Whatever I know about him or whatever he knows about me, yun lang.

“But with regards to that, I really appreciate it.

“It was a sweet gesture.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN