Maine Mendoza gets creative in her Christmas gift for Alden Richards

Alden Richards on closeness with loveteam partner Maine Mendoza: “Yung comfort level po, nabasag na namin yung walls sa amin, wala na yung inhibitions.”


Punung-puno ang Cinemas 9 at 10 ng SM Megamall na pinagdausan ng premiere night ng pelikulang My Bebe Love #KiligPaMore noong Lunes, December 21.

Ang My Bebe Love ang entry ng OctoArts Films, APT Films, MZet, Meda, at GMA Films sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bago sinimulan ang red carpet, naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Alden Richards at Maine Mendoza na nagkukulitan sa holding area.

Doon na rin iniabot ni Maine ang Christmas gift niya para kay Alden.

Kaagad na binuksan ng Pambansang Bae ang regalo–isang plastik na pitsel.

“Pitsel talaga? Tatak Classy?!” bulalas ni Alden.

Pagbukas niya ng pitsel, nasa loob nito ang Ray-Ban shades na kaagad isinuot ni Alden.

Nalaman kasi ni Maine na nawala ang shades ni Alden nang mag-mall show sila sa Cebu at tumuloy sa Davao.

Kaya kaagad na naghanap si Maine ng halos ganun ding shades bilang pamalit.

Nalaman daw ng Dubsmash Queen na naghahanap si Alden ng pamalit sa nawala niyang shades.

Ayon kay Alden, “E, kasi, ganun ako, may pagka-OC ako.

“Pag may nawala, gusto ko mapalitan.

“So, naghanap ako agad ng replacement.

“Akala ko iniregalo niya pitsel, shades pala!”

Sabi naman ni Maine, “Naka-pack siya sa pitsel, para ma-disappoint muna siya.”

Kantiyaw pa niya kay Alden, “Uy, mahal yun. ha?! Fifty pesos yun, ha?!”

Sa kabilang banda, wala pa raw maisip si Alden na iregalo kay Maine. Pero maghahanap daw siya.

“Kahit wala na, presensiya lang,” hirit naman ni Maine.

DEEPER FRIENDSHIP. Iba na raw ang friendship nina Alden at Maine; hindi na raw sila nakakaramdam ng ilang sa isa’t isa.

Sabi ni Alden, “Basta ako, I had good times after Tamang Panahon. Masaya lahat ang nagiging moments ko with Maine.

“So, na-enjoy ko lahat na ginagawa naming trabaho and, at the same time, ang company niya.

“And sana walang magbago sa amin, yung friendship, magtuluy-tuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami lang naman ang magkasama dito, e... laban.

“This is the fight that we’re in together.”

Pareho naman silang tumango nang tinanong namin kung gaano na ba sila kakumportable sa isa’t isa.

“Sobra po,” mabilis na sagot ni Alden.

Dagdag ng Kapuso actor-TV host, “Yung comfort level po, nabasag na namin yung walls sa amin, wala na yung inhibitions.”

Pagsang-ayon pa ni Maine, “Wala na ngang walls.”

Sa trabaho lang daw sila nagkakaroon ng pagkakataong magkasama.

Pero sana ay mabigyan din daw sila ng pagkakataong lumabas na hindi trabaho.

“Pero malay niyo, pag naka-LL—luwag-luwag,” nakangiting sabi ng Kapuso heartthrob.

ALDUB NATION SUPPORTS PIA. Samantala, nagpasalamat naman sina Alden at Maine sa buong AlDub Nation sa suportang ibinigay nila kay Pia Wurtzbach.

Matatandaang humingi ng suporta si Pia sa AlDub Nation sa kanyang laban sa nakaraang Miss Universe 2015.

May online voting kasing kasama sa pagpili ng bagong Miss Universe, at si Pia ang nanguna rito.

Pinaniniwalaang malaki ang naitulong ng AlDub Nation upang manguna si Pia sa online voting at manalo bilang Miss Universe 2015.

Pahayag ni Alden, “Congratulations, Pia!

“At thank you din sa AlDub Nation for considering to help our fellow kababayan na lumalaban sa isang international contest. That’s a big deal.

“Kumbaga, hindi lang naman karangalan ni Pia ang pag-uwi ng title ng Miss Universe. It’s for all of the Filipinos to be proud of.

“Parang AlDub Nation, proud to be Pinoy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN