Cong. Martin Romualdez says Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach brought so much honor to the country

Cong. Martin Romualdez on how he courted wife Yedda Marie Kittilstvedt, Bb. Pilipinas-International 1996: "I was very determined, very focused, and I would never take no for an answer. Siyempre naman mayroon din naman akong secret assets diyan, e. Unang-una, the people who worked for her family there are some Warays. Mabuti na lang maganda ang record natin, at maganda ang PR natin sa kanila...”


Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang pagkapanalo ni Pia Alonzo Wurtzbach bilang Miss Universe 2015.

Kaya naman sa presscon ni Leyte 1st District Representative Martin Romualdez noong Disyembre 22, sa Victorino’s restaurant, ay natanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naramdaman niya sa tagumpay ni Pia at kung bumilib din siya rito.

Lalo na nga’t ang asawa ni Romualdez na si Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez ay dati ring beauty queen nang koronahang Bb. Pilipinas-International noong 1996.

Pahayag niya, “Of course [bumilib ako].

“My wife Yedda, when she ran in 1996, I was very supportive of her.

“And we’re so happy with the results [of Miss Universe 2015], despite the little glitch, at least finally after forty years, yung drought natin sa Miss Universe ay at least na-relieve na.

“All the congratulations and honor should go to Pia, to Binibining Pilipinas Charities, and all those who supported her candidacy.

“To Miss Pia Wurtzbach, to our Miss Universe, that is another example of never giving up.

“Keep on trying, it’s not when or how you fail or you stumble, it’s how you pick yourself up, you proceed and learn from that experience.

“Tingnan mo, ilang beses siyang nag-try, she finally succeeded, and she brought so much honor not only for herself but for the entire country, especially now during the Christmas season.

“So, we congratulate our Miss Universe Pia Wurtzbach.”

Nasa huling termino na si Romualdez bilang Leyte representative, kaya senador na ang tatakbuhin niya sa 2016 elections. Ang campaign motto niya ay “Gobyernong May Malasakit.”

ADVICE TO PNOY. Ang ating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay na-link at nabalita noon na nanligaw kay Pia.

Dahil ang napangawa ni Romualdez ay isang beauty queen, may maipapayo ba siya kay PNoy para sa panunuyo nito kay Pia?

Sagot niya, “Focus, determination. If at first you don’t succeed, you try and try.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is as a Miss Universe what she [Pia] did, she tried and tried, and we saw her pure determination, and they were rewarded.

“That’s what I did with my wife. Hindi ko siya tinigilan.

“In fact, the first time I met her was in her grandfather’s house.

“Nakakatakot, pumunta ako mag-isa sa mismong bahay ng lolo at lola niya.

“At kung kilala mo yung pamilya nila, the member of the clan, yung mga uncle niya, malalaking mga tao iyan.

“Yung negosyo nila kilala sa Cebu, sa South, e. So, mga malalaking mga tao.

“Yung mga kaibigan ko sa Cebu, nagtataka, ‘Ba’t nandito ka?’

“‘Nililigawan ko si Yedda.’

“‘Ha? Sigurado ka? Hindi mo kilala yung pamilya na iyan, lahat ng mga tiyuhin niya mga…’

“Well, to make the long story short, wala akong tinataguan kasi seryoso ako dito.

“I am very determined, and my intentions are honorable, and I want to marry this lady.

“And so, I got her finally.”

SURROUNDED BY BEAUTY QUEENS. Bukod sa kanyang asawang si Yedda, napapaligiran ng iba pang beauty queens sa pamilya si Romualdez.

Katulad na lang ng kanyang tiyahin at dating First Lady na si Ilocos Sur Representative Imelda Marcos—asawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos—ay naging kandidata sa Miss Philippines noong 1953 at binigyan ng honorary title na Muse of Manila.

Ano ang pakiramdam na napapaligiran siya ng beauty queens?

Ayon kay Romualdez, “Unang-una, ang dami talagang magaganda sa Pilipinas kaya it’s almost no wonder why I should not be surrounded [by beauty queens].

“In fact, all of us, in one way or the other are related to a beauty queen or someone who’s beautiful.”

Paano niya niligawan at napasagot ang kanyang beauty queen wife?

“Paano ko niligawan si Yedda? I was very determined, very focused, and I would never take no for an answer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre naman mayroon din naman akong secret assets diyan, e.

“Unang-una, the people who worked for her family there are some Warays.

“Mabuti na lang maganda ang record natin, at maganda ang PR natin sa kanila, kaya we were able to get some support even from her own family because they knew our reputation in Tacloban.”

Kung si Romualdez ay tatakbong senador, si Yedda ay sa Congress naman sasabak bilang posibleng papalit sa kanyang mababakanteng puwesto.

“Actually, she will also be running for Congress in the first district. She will be running in my seat.

“Mayor Alfred [Romualdez, his cousin] and I are graduating, and as you know, the future Mayor, Councilor Cristina [Gonzales-Romualdez, Alfred’s wife] is running.

“And my wife would be running for congresswoman.

“So, we will be very, very busy not just in Tacloban, not just in the district, but all over the country.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN