Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach to endorse Mar Roxas in 2016?

Isang source ang nagbigay ng tip sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na malaki ang tsansa na iendorso ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kandidatura ng standard bearer ng Liberal Party na si Mar Roxas sa 2016 elections. Ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. founding director na si Stella Marquez-Araneta ang koneksiyon ni Roxas sa bagong hirang na Miss Universe.


Isang malapit kay Mar Roxas ang nagbigay ng tip sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na malaki ang tsansa na iendorso ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kandidatura ng standard bearer ng Liberal Party.

Sinabi ng PEP source na bago pa man sumali si Pia sa Miss Universe, malaki na ang tiwala sa kanya ng former DILG Secretary na kumakandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa 2016 elections.

Ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) founding director na si Stella Marquez-Araneta ang koneksiyon ni Roxas sa bagong hirang na Miss Universe.

Si Roxas ay pamangkin ni Jorge Araneta, ang asawa ni Mrs. Araneta, na head naman ng BPCI na nagpapadala ng mga kandidata sa Miss Universe.

INTERVIEW WITH PIA. Samantala, marami ang humihiling na makapanayam nila si Pia sa pamamagitan ng kanyang mentor na si Jonas Gaffud, mula nang mapanalunan nito ang Miss Universe crown.

Sa kanyang Facebook post noong December 21, sinabi ni Jonas na ang Miss Universe Organization na ang namamahala ngayon kay Pia.

“I would like to inform you that Pia is under the management of Miss Universe and IMG [International Management Group].

“There are limitations ng requests kay Pia.

“Miss Universe is very professional and strict and hindi basta-basta na you can ask me to set an interview with her.

“Kindly email them check www.missuniverse.com.”

Ang advisory ni Gaffud ang sagot sa  mga magtatanong kung papayagan si Pia na iendorso ang presidential bid ni Roxas dahil kailangan nakasalalay sa Miss Universe Organization at IMG ang pagpapasya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN