Maine Mendoza overwhelmed by AlDub Nation's support in her first MMFF Parade of Stars

Maine Mendoza gets to experience her first MMFF Parade of Stars by riding on the float of My Bebe Love with co-stars Ai-Ai delas Alas, Vic Sotto, and Alden Richards. Maine says, "Nagpapasalamat po ako sa lahat ng pumunta, naghintay, nakisiksik, nakihiyaw, nakikaway at nakisaya sa amin ngayong araw. Hindi nyo po alam kung gaano ka espesyal itong araw na to para sakin. Sulit ang lahat!"


Muling napatunayan ang lakas ng AlDub Nation nang dumugin nila ang float ng My Bebe Love #KiligPaMore sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars nitong Miyerkules, December 23.

Lulan ng nasabing float ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na AlDub, kasama ang co-stars nila sa pelikula na sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Ang larawan ng float ng My Bebe Love, kasama ang apat na stars ng pelikula, ay naging headline pa ng ilan sa major broadsheets at tabloids ngayong araw, December 24.

Ang My Bebe Love ang unang pelikula ni Maine; ito rin ang unang pagkakataong nakasali siya sa MMFF Parade of Stars.

Isa na namang panibagong experience ang kanyang naranasan sa mahigit limang buwan pa lamang niya sa mundo ng showbiz.

Kaya naman sa pamamagitan ng Instagram ay ipinahayag ni Maine, na unang nakilala bilang Yaya Dub, ang kanyang saloobin tungkol sa una niyang pagsakay ng float para sa MMFF.

"What an experience! Ang saya!" bulalas ng Eat Bulaga! mainstay.

Dagdag niya, "Sobrang nakakatuwa na makita yung mga taong sumusuporta sa inyo... pero mas nakakatuwa na makita yung kasiyahan nila no'ng makita kayo.

"Kung tutuusin nga maliit na bagay lang, pero para sa kanila ang laki laki na.

"Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng pumunta, naghintay, nakisiksik, nakihiyaw, nakikaway at nakisaya sa amin ngayong araw.

"Hindi nyo po alam kung gaano ka espesyal itong araw na to para sakin. Sulit ang lahat!

"Aldub you all! AlDub Nation at AiSing Republic, My Bebe Love sa December 25 na!"

Kaninang umaga ay lumipad na patungong Japan si Maine kasama ang kanyang buong pamilya para sa isang bakasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN