Angelica Panganiban urges Filipinos to take the higher road over Miss Universe issue

Angelica Panganiban urges Filipino fans to be more understanding with Miss Colombia's fans: “Ang goal ng Miss Universe, magkaisa, di ba? Best answer nga daw ang WORLD PEACE. Wag na natin kwestyunin bakit ganun ang reaction nila."


Hindi pa rin tuluyang humuhupa ang emosyon ng maraming Pinoy, partikular ang beauty pageant enthusiasts, sa mala-reality TV na Miss Universe 2015 pageant noong Lunes, December 21 sa Pilipinas, kung saan nagwagi ang ating pambato na si Pia Alonzo-Wurtzbach.

Binalutan ng kontrobersiya ang Miss Universe 2015 matapos magkamali ang host na si Steve Harvey na unang inanunsiyo na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang winner at first runner-up si Pia. Itinama naman niya ito pagkalipas ng ilang minuto.

Sa social media, nagkalat ang videos na kinunan ng netizens at in-upload sa social media.

Kagaya na lamang ng video na nilapitan ni Pia si Miss Colombia pagkatapos siyang makoronahan, pero hindi siya pinalapit sa Latina beauty na umiiyak dahil sa pagbawi ng korona sa kanya.

Kaugnay nito, nag-post ang aktres na si Angelica Panganiban kamakalawa tungkol sa mga “not-seen-on-TV” videos na ito at nagkomento.

Pinuri ni Angelica si Pia na sinikap lapitan si Miss Colombia pagkatapos ng insidente kahit na hindi maganda ang trato sa kanya ng ibang kandidata.

Caption ng Kapamilya actress: “Ilang minuto lang pagkatapos sabihin ni Pia ang mga katagang 'confidently beautiful with a heart', ipinakita ito ni Pia sa gawa.

“Lumapit siya kay Colombia para i-console ito, pero hinarangan at tinulak siya ng ibang mga kandidata.

“Nagpaka-humble na si Pia, pero hindi pa din tinanggap.

“For 4 decades, hinintay natin. Runner up? Why not? Top 15? GO!! 1st runner up? Sayang...

“Ilagay natin sarili natin kay Miss Colombia, announced, Miss Universe. Tapos hindi pala. Cry, di ba?

“Pero tayo ang nanalo... PINAS.”

Nanawagan din si Angelica na huwag nang gatungan pa ang namuong tensiyon sa pagbawi sa korona kay Miss Colombia, bagkus ipagdiwang na lamang ang pagkapanalo ng Pilipinas.

“Habang sumasagot tayo, may isasagot sila... Kaya wala tayong ibang gagawin kung hindi mag-celebrate? Magkaisa tayo para kay Queen. Wala nang sagot sagot. Happy-happy lang. Bilang eto ang regalo ng Madam Pia sa ating lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang minuto lang pagkatapos sabihin ni Pia ang mga katagang "confidently beautiful with a heart", ipinakita ito ni Pia sa gawa. Lumapit siya kay Colombia para iconsole ito pero hinarangan at tinulak siya ng ibang mga kandidata. Nagpakahumble na si Pia, pero hindi pa din tinanggap.. For 4Deacades, hinintay natin.. Runner up? Why not? Top 15? GO!! 1st runner up? Sayang... ilagay natin sarili natin kay miss Colombia, announced, Miss Universe. Tapos hindi pala.. Cry diba? Pero tayo ang nanalo... PINAS.. Habang sumasagot tayo, may isasagot sila... Kaya wala tayong ibang gagawin kung hindi, mag celebrate ??? magkaisa tayo para kay queen. Wala ng sagot sagot. Happy happy lang. Bilang eto ang regalo ng madam Pia sa ating lahat. ??

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Sa sumunod na post ni Angelica tungkol sa paghagulgol ni Pia backstage matapos makoronahang Miss Universe, nag-caption si Angelica na huwag nang pagtakhan na hindi nagustuhan ng mga fans ni Miss Colombia ang nangyari.

Ani Angelica, dapat ay mag-focus na lamang sa tagumpay na inuwi ni Pia para sa Pilipinas ngayong Pasko.

“Ang goal ng Miss Universe, magkaisa, di ba? Best answer nga daw ang WORLD PEACE.

“Wag na natin kwestyunin bakit ganun ang reaction nila.

“Aralin natin ang maka-Pinoy na paraan... Magpasalamat. Maging maligaya. At, magtago sa inaanak. Maligayang Pasko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN