Miss Bulgaria reacts to “BFF” moment with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

Miss Bulgaria Radostina Todorova accidentally became the epitome of "BFF" or best-friend forever, after being seen to encourage the hesitant Pia Alonzo Wurtzbach to take the stage and claim her crown at the Miss Universe pageant.


Ikinatuwa ni Miss Bulgaria 2015 Radostina Todorova ang pag-label sa kanya bilang “friend” o “BFF” (best friend forever) sa memes sa social media dahil sa pag-cheer niya kay Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach nang ianunsiyo na ito ang tunay na nanalo sa Miss Universe 2015 noong Linggo ng gabi, December 20, sa Las Vegas, Nevada.

Makikita kasi sa broadcast ng Miss Universe ang masigasig na pag-udyok ni Miss Bulgaria kay Pia na maglakad papunta sa harap ng stage nang magkaroon ng alinlangan ang Pinay beauty queen kung ano ang gagawin matapos ianunsiyong siya pala ang tunay na nagwagi at hindi si Miss Colombia Ariadna Gutierrez.

Ito ay matapos magkamali ang host na si Steve Harvey nang i-announce ang Latina beauty na siyang nanalo.

Ikinatuwa ng maraming Filipino beauty pageant fans ang sweet gesture ni Miss Bulgaria, lalo pa't nagdulot ng tensiyon sa pagitan ng fans ni Pia at Miss Colombia ang insidente.

Sa kanyang Instagram account, maiksi subalit malaman ang mga mensahe ni Miss Bulgaria.

Sa unang post niya kamakalawa, sabi niya, “I love you, Pia,” kalakip ang photo collage ng photo grab ng sumikat niyang eksena kasama si Pia.

Kalakip ng photo collage ang quote na: “There's always that one friend who pushes you, to stand up for that dream.”

I ?? you... Pia ????????????? #missuniverse #missuniverso #bulgaria #philippines #piawurtzbach

A photo posted by Radost Todorova (@joytodorova) on

Nag-post ulit ng isang photo meme si Miss Bulgaria.

Ang simpleng caption ng beauty queen: “So sweet. It was a pleasure.”

xOxO so sweet??? it was a pleasure!!! #piawurtzbach #philippines #missuniverso #missuniverse #bulgaria #lasvegas

A photo posted by Radost Todorova (@joytodorova) on

Sa ikatlong post niya, base sa caption ay natutuwa si Miss Bulgaria sa nangyari na napansin pala “all around the world” ang ginawa niya.

Sa comment section naman, bumuhos ang pasasalamat ng fans ni Pia, partikular ang mga Pinoy, sa ginawang gesture ni Miss Bulgaria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN