PEP Forum: Where will the stars spend Christmas this year?

Bago pa man mag-Pasko, may ilang celebrities na ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at nagkuwento ng kanilang magiging selebrasyon ngayong Christmas 2015.


Ngayong araw ng Pasko 2015, saan kaya magsi-celebrate ng kanilang holiday ang mga paborito ninyong artista?

Ang ibang mga artista ay mag-a-abroad o kaya ay mag-a-out of town para maka-relax mula sa isang buong taong pagtatrabaho.

Ang ilan naman ay mas piniling manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at magdaos ng isang simpleng piging kasama ang mga mahal sa buhay.

Bago pa man ang araw na ito, may mga ilang nakausap na celebrities ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at natanong namin kung saan nila planong mag-Pasko ngayong taon.

Narito ang kanilang mga kasagutan:

Julie Anne San Jose: “Celebration lang with the family. Baka mag-out of town din kami.”

Rocco Nacino: “Dito lang, family time. Family time para makabawi naman kasi kakatapos lang ng taping namin [Beautiful Strangers]. To stay with my lola tapos gagawa kami ng Christmas party para sa family namin.”

Alex Gonzag: “Ngayong magpa-Pasko, New Year, aalis sila [Toni Gonzaga and Direk Paul Soriano], sasama ako. Kinuha ako ni Direk Paul ng sariling hotel, sa New York. Sa kanila ako sasabay, tapos magsa-San Francisco, so kasama nila ako the whole time. Masaya ako dahil tinrato ako ni Direk Paul na parang sa ate ko na ako yung bunso.”

Lani Misalucha: “Uwi ako sa Vegas kasi gusto ko naman makapiling yung pamilya ko. Pero iba ang Christmas talaga dito, iba ang pagkain.”

Arnel Pineda: “Dito lang, Christmas and New Year. Masaya talaga ang Christmas dito, the longest Christmas in the world.”

Martin del Rosario: “Sa 26 hanggang New Year, sa Hong Kong ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN