MMFF 2015 moviegoers claim ticket swapping in cinemas

My Bebe Love supporters claim “ticket swapping.” Instead of the title of Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, and AlDub movie, Beauty and the Bestie was printed on the movie tickets.


Umalma ang ilang manonood dahil sa umano'y “ticket swapping” na naganap sa ilang SM Cinemas sa pagbubukas ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong araw, December 25.

Sa Twitter, ilang tagasuporta ng MMFF entry na My Bebe Love ang nagsasabing mali ang naka-print sa kanilang ticket.

Sa halip na ang titulo ng pelikula nina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, at Maine Mendoza ang naka-print sa ticket, ang pelikulang Beauty and the Bestie ang nakalagay.

Ang Beauty and the Bestie ay pelikulang pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin, kasama sina James Reid at Nadine Lustre.

#AlDubNation please be aware! Initially thought it was just a random mistake when we saw similar posts earlier but apparently it's not! We don't want to think bad of other people but it seems the ticket sales are bring rigged in favor of someone else's film! @direkjoey @octoartsfilms @mybebelove_official @eatbulaga1979 @direkmike @angpoetnyo @allan_klownz @richard_p_faulkerson @rmcfaulkerson @leysam17 @nelsoncanlas @aubreycarampel @gmanetwork @gmanews Hope you can help do something about this to help the stars of #MyBebeLove also @msaiaidelasalas @mainedcm @aldenrichards02. Thank you. ?????? @Regrann from @fennypaid - My bebe love ang pinanood nmin pero beauty and the bestie ang ticket na binigay... bat ganun???? #Regrann

A photo posted by Alden Nation ™ (@aldennation) on


Kaugnay nito, kinumpirma ng My Bebe Love director na si Jose Javier Reyes ang insidente.

Sa kanyang Twitter account, ito ang mga post ni Direk Joey:

Nag-post na rin ang Eat Bulaga! host na si Joey de Leon ng babala sa kanyang Twitter account:

Samantala, nag-post ng confirmation ang SM Cinema tungkol sa isyu sa pamamagitan ng Twitter account nito.

Subalit agad namang nabura ang mga post na ito.

Sa ngayon, kinukuha na ng @sm_cinema ang ticket details ng mga umaalmang manonood.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ng SM Cinemas tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN