Rodrigo Duterte's Christmas message to crooks draws mixed reactions

In his latest viral video, presidential candidate Rodrigo Duterte issued a stern warning to crooks, thugs, and other unlawful elements. The Davao City mayor's brazen message drew mixed reactions from Pinoy netizens.


Viral na ngayon sa Facebook ang kakaibang Christmas message ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

May dalawang version ang pamaskong mensahe ng PDP-Laban presidential candidate, pero mas nakapukaw ng atensiyon sa mga tao ang unang mensahe nito.

Ang unang video message na nai-post ng taga-suporta ni Duterte na si Mocha Uson sa kanyang Facebook account noong Lunes, December 21, ay umani na ng 2.2 million views at halos anim na libong komento ngayong araw ng Sabado, December 26.

Sa 30-second video, sinabi ng alkalde na tao lamang siya kaya, “Binabati ko pa din kayong mga durugista, magnanakaw, mga corrupt, mga kriminal, at kayong mga nagpapahirap sa Pilipino.”

Binalaan naman niya ang mga ito na dapat itigil na ang kanilang masamang gawain.

Dagdag pa ni Duterte, “Kaya kung ayaw niyong huminto at patuloy pa rin ang karahasan, ito na ang huli ninyong Merry Christmas.”

Sa comment section, makikita ang iba't ibang feedback tungkol sa mensahe ng alkalde.

May nagsabi na kailangan na raw magbago ng mga "mandurugas."

May nagbansag kay Duterte bilang "punisher ng Dabaw."

May isa namang nagbiro na magbubukas siya ng "funeral homes and embalming business" pag si Duterte na ang presidente, at magbibigay daw ito ng "discount pag kriminal at adik ang patay."

May isa ring hinamon si Duterte na "'yong mga matataas na opisyal sa gobyerno na nangungurakot ng napakalaking pera ang dapat ninyo unahin lagasin sa laki ng pera ninanakaw nila sa kaban ng bayan."

Dugtong pa ng nag-komento, "Huwag itong maliliit na kriminal ang tutukan kundi yong malalaking kriminal, hindi mo rin mahihinto ang mga drug adik hangga't may nagsu-supply ng drugs sa kalsada, kaya itong mga drug lords ang hulihin mo."

ANTI-DUTERTE. Samantala, umalma naman ang mga hindi bilib sa istilo ng pamamahala ni Duterte sa Davao.

Ang death squad ng alkalde na nagsimula pa raw noong mid-90s ay violation ng human rights.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga nagkomento, “Sa lahat na ayaw ko sa magiging pinuno ating bansa yung mga mahilig magmura, asawa ko nga ayaw ko na nagmumura. Ano ang magagandang asal ang matutunan ng susunod na henerasyon kung puro patayan ang naririnig ng bawat isa?"

Isang taga-suporta ng presidential candidate na si Mar Roxas ay nagsabing "sinungaling" at "mahusay sa dada" si Duterte.

May nagtanong din ng, “Sir Duterte, papatayin niyo din ba ang mga corrupt na politicians na milyon ang ninanakaw?”

May isa namang nagpahayag ng pagkadisgusto dahil tila ay wala siyang mapusuan sa mga presidential candidates, "hello pagbabago, nasaan ka na totoong pag asa ng bayan?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN