Fabio Ide throws intimate beach party for his birthday

Fabio Ide celebrated his 32nd birthday via an intimate bash with close friends at a surfing resort in La Union. His Instagram post reads: "One of the most simple and special birthday parties I've ever had. Sometimes the different can change everything. Thank you Lord for another year of my life. #HappyDays."


Isang simpleng birthday bash ang idinaos ng Brazilian-Japanese model-turned-actor na si Fabio Ide para sa kanyang ika-32 kaarawan noong December 26.

Sa isang surfing resort sa La Union nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Fabio kasama ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan

Ayon sa isa sa mga bida ng GMA seryeng Destiny Rose, ibang-iba raw ang kanyang selebrasyon ngayon kumpara sa mga nakaraang birthdays kunsaan laging mayroong malaking party.

Sa kanyang Instagram photo, heto ang naging caption ni Fabio:

“One of the most simple and special birthdays parties I've ever had. Sometimes the different can change everything. Thank you Lord for another year of my life. #HappyDays”

At kahit simple lang ang naging celebration ni Fabio, hindi siya nakalimot na magpasalamat sa mga bumati sa kanyang kaarawan.

Saad ng kanyang karagdagang Instagram post:

“Thank you so much to everyone who greeted me happy birthday yesterday. Really appreciate the messages. Thank you for the friendship and for always making my life awesome. Love you guys!!!”

BIANCA ON VACATION ABROAD. Wala sa selebrasyon ang  girlfriend ni Fabio na si Bianca Manalo, dahil kasalukuyang itong nagbabakasyon sa Japan.

Pero nag-post naman ng napaka-sweet na photo at caption ang former beauty queen para sa kanyang pinakamamahal na boyfriend.

“Ever since we met, I've known that we're special. The way we talk and laugh around each other is different than everybody else.

“And I think, most people search their whole lives, to find what we've already found.

“To my sweetest and super handsome love, happiest birthday!

“I wish you the best. Thank you for loving me. Just knowing how much you love me makes me feel that I can fly. Love you, @fabioideofficial.”

THANKFUL FOR BLESSINGS THIS YEAR. Maraming ipinagpapasalamat si Fabio para sa taong 2015.

Unang-una ay ang magandang takbo ng kanyang acting career via Destiny Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinapasalamatan din ni Fabio ang mga magagandang feedback na natatanggap niya tungkol sa kanyang performance sa teleserye sa social media.

Thankful din si Fabio sa magandang relasyon niya with Bianca Manalo.

Malaki raw ang nabago sa buhay niya dahil naging inspiration niya si Bianca.

At ang isa pang ipinagpapasalamat niya nang husto ay ang pagdating sa buhay niya ng kanyang baby girl na si Danielle Mikayla.

Ito raw ang nagsilbing suwerte sa kanya, kaya naman maganda ang takbo ng kanyang showbiz career, lovelife at ang mga hinahawakan niyang mga negosyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN