Maine Mendoza on MMFF Best Supporting Actress win: "Bakit ako?"

Maine Mendoza posted a short message on her Twitter account after winning Best Supporting Actress at the 41st Metro Manila Film Festival Awards Night. Maine won for her first-ever movie, My Bebe Love.


Tila pinangunahan na ni Maine Mendoza ang bashers kaugnay ng pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa 41st Metro Manila Film Festival Awards Night na ginanap nitong Linggo ng gabi, December 27, sa KIA Theater, Cubao, Quezon City.

Nanalo si Maine para sa kanyang pagganap bilang spoiled brat na anak ni Vic Sotto sa pelikulang My Bebe Love #KiligPaMore.

Ito ang unang pelikula ni Maine, na halos anim na buwan pa lamang sa industriya mula nang kunin siya ng Eat Bulaga! bilang si Yaya Dub sa segment na "Juan For All, All For Juan."

Dito rin nagsimula ang phenomenal AlDub loveteam nila ni Alden Richards.

Kabilang sa mga tinalo ni Maine sa kategoryang Best Supporting Actress sa MMFF 2015 ay ang veteran actress na si Nova Villa at ang award-winning actress na si Iza Calzado.

Hindi nakadalo si Maine sa awards night dahil kasalukuyan siyang nagbabakasyon sa Japan kasama ang kanyang buong pamilya.

Sa Twitter post niya ngayong umaga, December 28, maging si Maine ay tila nasorpresa rin sa kanyang pagkapanalo.

Inaasahan na rin niya ang mga negatibong komento na darating kaakibat ng kanyang pagwawagi.

Sabi ni Maine: "Bago pa ako i-bash ng sambayanan, mauuna na ako... Bakit ako? Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!"

Bukod sa Best Supporting Actress, nanalo rin ang My Bebe Love ng Third Best Picture at Gat Antonio Villegas Cultural Award.

Read: MMFF 2015 Awards Night: Jericho Rosales, Jennylyn Mercado, Maine Mendoza win top acting honors

Ang My Bebe Love din ang kasalukuyang nangunguna sa box-office race sa lahat ng MMFF entries ngayong taon.

Read: My Bebe Love leads MMFF 2015 box-office race on first three days


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN