MMFF ready to face investigation of Honor Thy Father disqualification

Sinagot ni MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos ang mga isyu kaugnay ng desisyon ng MMFF na idiskwalipika ang Honor Thy Father sa Best Picture category.


Iginiit ni Atty. Emerson Carlos, ang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na hanggang Gabi ng Parangal ng 41st Metro Manila Film Festival (MMFF), na ginanap sa Kia Theater nitong Linggo, December 27, walang reconsideration na ibinigay sa Honor Thy Father para mapasama sa mga nominado para sa Best Picture.

Si Atty. Carlos din ang tumatayong overall chairman ng MMFF ngayong taon.

Pahayag niya, “Up to this time, wala kaming natanggap na motion for reconsideration on our rulings, so the ruling stays.”

Ang nanalong Best Picture ay ang Walang Forever, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales na itinanghal namang Best Actress at Best Actor.

Pero ang nagwaging Best Director ay si Erik Matti, na siyang direktor ng Honor Thy Father.

Nakapanayam ng PEP. (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Carlos bago pa magsimula ang programa sa awards night ng MMFF 2015.

Isa-isang sinagot ni Atty. Carlos ang mga kontrobersiyang bumabalot sa pagkakadiskwalipika ng Honor Thy Father.

Nilinaw niyang mananatili sa mga sinehan ang pelikula at hindi ito binaklas, gaya ng mga kumakalat na balita bago pa naganap ang awards night.

DISQUALIFICATION RULING. Ipinaliwanag ni Atty. Carlos ang disqualification ng Honor Thy Father sa Best Picture category.

Saad niya, “Ang nangyari, the executive committee decided as collegial body na i-disqualifty from Best Picture category ang pelikulang Honor Thy Father for material violations for failure to disclose some material facts. It’s part of the rules. 

“Sa mga nangyayari lang kasi, we’re just upholding the rules, so that maging fair ang pagtrato natin sa pelikula.”

Kinumpirma naman ni Atty. Carlos na sinabi nga ng producer ng pelikula na si Dondon Monteverde na ipinaalam nila ang paglahok nila sa Cinema One Originals screening.

“Yes, they told me and even sa social media yung lumabas na ipinaalam nila nung November 4 or 5, I think. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But ang material fact na kinunsider namin was the time na i-ask sila to come in.

“That was October 22 or 23 if I’m not mistaken, kung saan sinabi sa kanila na you are coming in as an official entry ng film festival.

“And with that, pinag-submit sila ng mga certifications kung anong dapat nila gawin for submissions, such as na hindi sila sumali or sasali sa ibang festival other than the Metro Manila Film Festival.”

Iginiit ng mga producer ng Honor Thy Father na hindi income generating ang paglabas ng pelikula nila sa Cinema One Originals Film Festival.

Sagot ni Atty. Carlos dito, “Yes, we understand that it’s not income generating. 

“But the rules states, income generating, commercial or otherwise.

“So, immaterial yun.”

Hindi ba nila nakitang magkakaroon ng problema nang nalaman nilang sumali sa ibang festival ang Honor Thy Father?

Tugon ni Atty. Carlos, “Actually, the emergency meeting was called on Christmas day kaya, kahapon [Saturday, December 26] lang kami nag-meet just o deliberate this particular issue.”

NO DIALOGUE. Wala raw nangyaring dialogue sa pagitan ni Atty. Carlos at ng mga producer ng Honor Thy Father.

Pero sa pagkakaalam niya, nagkaroon ng pag-uusap ang producers at ibang members ng executive committee.

Aminado naman si Atty. Carlos na hindi magandang timing ang pag-anunsiyo nila ng disqualification ng Honor Thy Father.

“Actually, medyo pangit nga ang timing dahil it’s a day before the awards night.

“But sabi nila, we must decide. 

“Otherwise, mas problema na hindi tayo nagbigay ng decision and then a precedent might be created by allowing this film to...

“It’s just a message you just want to send across na if you join the film festival, dapat you abide by the rules.

“Kasi ang ikinatatakot ng mga executive committee na it might come to a point na yung film festival ng mga re-issues. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we want to make it pure as possible.

“We don’t wanna impose the sanction against the talents, the stars, against the directors, because we want the message clear na ang ipinaabot namin yung mensahe doon sa nagkamali mismo.

“Hindi natin binibigyan ng liability yung mga taong wala namang kinalaman sa violation na nangyari na nakita ng executive committee.” 

OPTIONS, OPTIONS, OPTIONS. Hindi dumalo si Erik Matti sa Gabi ng Parangal kaya hindi niya personal natanggap ang tropeyo bilang Best Director.

Sa halip ay nagpaabot na lang siya ng mensahe sa pamamagitan ng isang staff sa Reality Entertainment na tumanggap ng tropeyo.

Hindi rin dumalo ang producer na si Dondon Monteverde para ipadama ang pagkadismaya niya sa naging desisyon ng ExCom ng MMFF.

Namataan ng PEP si John Lloyd na pumasok sa back entrance patungong backstage.

Nakasuot siya ng black T-shirt na may nakasulat na titulo ng pelikula niya.

Hindi nagpakita sa audience ang Kapamilya actor. Sumilip lang ito sa likod at pagkatapos ay lumabas na kung saan siya pumasok.

Bago pa ang hindi pagdalo nina Erik at Dondon, nagpahayag na ng kanyang kalungkutan si Atty. Carlos sa mangyayari.

Saad niya, “Kaya nga hindi namin binibigyang punishment yung other members ng production.

“They are still eligible to other awards. They’re still showing in the cinemas.”

Banggit pa ni Atty. Carlos sa naging kaganapan sa deliberation ng pagdiskwalipika sa Honor Thy Father, “Actually, during the deliberation, may mga lumabas nga na options that i-disqaulify siya from the festival itself.

“I-disqualify or remain in festival but disqualify siya from any of the awards. 

“And third option is disqualify lang siya from the Best Picture category.

“So, yung third option lang ang ginawa natin kasi we want this to be fair din na hindi dapat maging kasalanan na walang kinalaman sa mga nangyaring violation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iginiit ni Atty. Carlos na may violations ang Honor Thy Father dahil matapos silang mag-comply sa rules and regulations na hindi sila sasali o sumali sa kahit na anong festival, income or revenue generated man, isang linggo matapos mag-submit ang mga ito noong October 22 o 23, lumahok sila sa Cinema One Originals.

“Despite that in-admit na namin kayo, in-accept na namin kayo, still sumali pa rin kayo,” sabi ni Atty. Carlos.

Nagkaroon daw ng verbal communication ang ExCom ng MMFF at ng producer ng pelikula sa posibleng epekto na mangyayari dahil sa paglahok nila sa ibang festival.

Nililinaw ni Atty. Carlos na walang kinalaman ang pagpapalit ng liderato sa MMDA kung kaya inabot halos ng dalawang buwan bago nabigyan ng desisyon na patawan ng parusa ang Honor Thy Father.

Mula sa pamumuno ng ilang taon sa MMDA at MMFF ni Francis Tolentino, na ngayo’s tatakbo sa pagka-senador, inilipat ang posisyon kay Atty. Carlos.

Pahayag ni MMDA Chairman Carlos, “I don’t think so.

“Because tingnan yung timeline natin, the films were just deliberated upon bandang December na. 

“And then, nag-meeting yung mga rules committee, selection committee, jurors doon pa lang lumabas.” 

Handa raw harapin ng MMFF ang plano ng Honor Thy Father na mag-file ng kaso para imbestigahan ang diskwalipikasyon nila sa Best Picture.

Saad ni Atty. Carlos, “We wil just answer it...

“Haharapin po natin lahat ‘yan and we are not afraid of any investigation that maybe conducted by anybody by any institution.”

Ngunit giit niya, walang pulitika, walang personalan sa diskwalipikasyon ng Honor Thy Father.

Patuloy niya, “We just upheld the rule of law. Yun ang pinaghirapan.

“It was a  painful decision. It’s really a painful decision for us.

“We have to do this so as not to make a precedent.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN