Iza Calzado congratulates Maine Mendoza for winning MMFF Best Supporting Actress

Iza Calzado has this message for Maine Mendoza for winning Best Supporting Actress at the MMFF Awards Night: I'm sure she gave her best. I've liked her from the first dubsmash video I saw of hers. So stop fan wars pls. Congratulations Maine! All the best!"


Binati ni Iza Calzado si Maine Mendoza sa pagkapanalo nito bilang Best Supporting Actress sa Gabi ng Parangal ng 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap noong Linggo, December 27.

Si Iza ang isa sa mga nakalaban ni Maine para sa naturang kategorya; si Iza ay na-nominate para sa Haunted Mansion habang si Maine naman ay nanalo para sa pagganap niya sa My Bebe Love #KiligPaMore.

May ilang netizens ang nag-react sa social media kung saan kinukuwestiyon nila ang pagkapanalo ni Maine sa kauna-unahan nitong pelikula.

Nakarating naman kay Iza ang pamba-bash na ito kay Maine at sa iba pang isyu kaugnay ng MMFF Awards Night, kaya sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (@MissIzaCalzado) ay nagpahatid siya ng mensahe tungkol dito.

Ayon sa Kapamilya actress, wala pa siyang napapanood ni isa man sa MMFF entries ngayong taon, kahit na ang kinabibilangan niyang pelikula na Haunted Mansion.

Hindi rin daw niya alam na nominado pala siya, ngunit nagpapasalamat siya sa karangalang ito.

Binati rin niya si Maine, na nagustuhan daw ni Iza mula nang napanood niya ang Dubsmash videos nito.

Nakiusap din siyang tigilan na ang pag-aaway-away ng fans.

Isa namang Twitter follower ni Iza ang nagtanong kung isa rin ba siya sa mga nadismaya sa resulta ng MMFF Awards Night ngayong taon.

Sagot dito ng aktres: "Nope. I only felt bad for HTF [Honor Thy Father]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN