Dingdong Dantes says having a family in 2015 is the ultimate happiness

Dingdong Dantes: "Pakiramdam ko, nandito pa ko sa sobrang sayang state na siyempre, yung biyaya na nakuha ko, ultimate na. Magkaroon ng isang pamilya na buo. Lahat ng mga ibang bagay, siyempre, nagiging secondary na."


Napakahalaga ng taong 2015 sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dahil isa sa highlights nito ay ang katuparan ng kanyang pangarap na magkaroon ng sariling pamilya.

Noong November 23 ay isinilang ng kanyang maybahay na si Marian Rivera ang kanilang panganay na anak—si Maria Letizia o Baby Z.

Kaya naman hangang ngayon ay sobrang saya ni Dingdong sa naging takbo ng magtatapos nang taon.

Paglalarawan ni Dingdong sa kanyang 2015, “Well, hindi ko siya maa-assess.

"Pakiramdam ko, nandito pa ako sa sobrang sayang state na siyempre, yung biyaya na nakuha ko, ultimate na—magkaroon ng isang pamilya na buo.

“Lahat ng mga ibang bagay, siyempre, nagiging secondary na.

"Pero hindi rin naman ibig sabihin na hindi ko bibigyan ng highlight yung ibang bagay na ginawa ko, like yung mga work-related, pangsarili.

“Pero mas maganda na nagkaroon talaga ng level of prioritization yung kung ano ang nagma-matter sa ‘yo, which is, para sa akin, pamilya talaga.

"Hindi ko lang siya ma-assess ngayon kasi nao-overwhelm ako.”

Dagdag niya, “I don’t think it needs assessment anymore.

"Ang maganda, naramdaman ko ‘to na matagal ko nang hinihintay.

"Para sa akin, yun ang pinakamahalaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa pictorial ng PPL Entertainment Inc., sa Marco Polo Hotel, Ortigas Center, Pasig City.

WELCOME 2016. Ano naman ang mga inaasahan o inaabangan ni Dingdong sa taong 2016?

Sagot niya, “Looking forward ako sa paggawa ng mas maraming pelikula.

"Buong 2015, by choice, talagang I stayed away from making movies dahil sa isang personal na dahilan.

“Pero sa 2016, kung may project na maganda, babagay at tutugma sa timing, gusto ko sanang gawin.”

Isang buwan na noong December 23 si Maria Letizia. Kumusta ang pagiging magulang nila ni Marian at higit sa lahat, si Baby Z?

Tugon ni Dingdong, “Araw-araw, may mga pagbabago, pero siyempre masarap yung nag-a-adjust kami kasama siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat nasa exploratory stage kami dahil siyempre, kumakapa rin kami.

"Ang ganda lang dahil yung progress, nagre-respond siya at nakikita namin.

"Meron kaming pinapalaki sa aming mga kamay, nakakatuwa."

Gaano sila ka-hands-on ni Marian bilang magulang?

Sabi ng aktor, “Well, kami lahat.

“Merong tumutulong kung kailangan. Pero kami talaga, lalo na sa mga basics na kailangan para sa bata.”

Gising ba si Letizia tuwing gabi, kagaya ng ibang babies?

“Oo, may time na ganun. Minsan salitan kaming bantay,” nakangiting pagtukoy ni Dingdong sa kanila ni Marian.

Para kay Dingdong, “the best” ang fulfillment na nakukuha niya bilang isang ama.

Madalas sabihin ni Marian na gusto niyang masundan agad si Letizia. May plano na ba sila para sa baby number 2?

“We’ll see, we’ll see!” natawang tugon ni Dingdong.

BABY Z. Napakarami na raw ang nag-aalok ng product endorsements at TV commercials para kay Letizia. Papayagan ba ni Dingdong ang anak na gumawa ng TV commercial?

“Ang plano namin ay palakihin siya nang maayos. Yun muna ang priority for now,” sagot niya.

Paano naman ang mga alok kay Baby Z na lumabas sa TV commercial habang sanggol pa siya?

“Basta ang mahalaga, yung pagpapalaki sa kanya na magiging maayos at, kumbaga, nasa values.

"Siyempre, yun na yung magiging sukatan kung anong mga activities ang pagagawa namin sa kanya."

Nangiti naman si Dingdong nang sabihin naming sa ganda ni Letizia, marami na ang nag-aabang kung ano ang mapipili nila ni Marian na kauna-unahang endorsement ng anak.

Aniya, “Kaya nagpapasalamat kami sa mga nakaka-appreciate sa kanya at sa lahat ng nai-inspire dahil sa kanya, nagpapasalamat kami.”

Dahil madalas sabihin ng mga nakakita sa larawan ni Letizia na mas malaki ang hawig nito kay Marian, pabiro naming tinanong si Dingdong kung anong physical feature niya ang nakuha ang nakuha ng anak.

Tugon niya, “Hati, hati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag sinasabi nga nila sa akin na she looks like an angel, siyempre sinasabi ko na she got it from her mother."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN