Legendary singer Natalie Cole dies at 65

Grammy-winning singer Natalie Cole passed away last December 31. She was 65 years old.


Pumanaw na ang legendary singer na si Natalie Cole noong Huwebes ng gabi, December 31 (U.S. time).

Siya ay 65 years old.

Si Natalie ang nagpasikat ng hit songs na "This Will Be," "Inseparable," at "Our Love."

Ang pagkamatay ni Natalie ay kinumpirma ng kanyang publicist na si Maureen O'Connor.

Nagbigay din ng statement ang mga kapatid ni Natalie na sina Timolin Cole at Casey Cole at ang kanyang anak na si Robert Yancy sa Entertainment Weekly:

“It is with heavy hearts that we bring to you all the news of our Mother and sister’s passing.

"Natalie fought a fierce, courageous battle, dying how she lived … with dignity, strength and honor.

“Our beloved Mother and sister will be greatly missed and remain UNFORGETTABLE in our hearts forever.”

Isinilang noong February 6, 1950, si Natalie ay lumaki sa pamilya ng singers.

Ang ama niyang si Nat King Cole ay isa sa most accomplished singers at jazz musicians noong post-war era.

Ang kanyang ina namang si Maria Hawkins Cole ay dating singer para sa iconic jazz composer and bandleader na si Duke Ellington.

Nito lamang August 2015 ay bumisita ng Pilipinas si Natalie para mag-perform sa David Foster and Friends concert na ginanap sa Araneta Coliseum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN