Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach: “Huwag na po pumatol sa mga bashers. Nanalo na po tayo.”

Two weeks after the Miss Universe 2015 pageant and the controversy surrounding it, supporters of the candidates, particularly Pia Alonzo Wurtzbach and Miss Colombia Ariadna Gutierrez, continue to hit at each other on social media.


Nakiusap si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach sa kanyang mga kababayan at mga tagasuporta na huwag nang pumatol sa bashers at itigil na ang pakikipagsagutan sa ibang lahi kaugnay pa rin sa ginanap na Miss Universe 2015 pageant.

Dalawang linggo matapos ang ginanap na prestihiyosong pageant, hindi pa rin humuhupa ang hidwaan sa pagitan ng mga Filipino pageant enthusiasts o mga tagasuporta ni Pia laban sa ibang lahi, partikular sa mga tagasuporta ni Miss Colombia at Miss Universe 2015 1st runner-up Ariadna Gutierrez.

Kitang-kita ito sa sagutan sa social media ng mga tagasuporta ni Pia at mga tagasuporta ni Miss Colombia.

Sa Instagram account ng bagong Miss Universe nitong Sabado, January 2, isang mensahe ang ipinaabot niya sa kanyang mga tagasuporta sa gitna ng patuloy na pakikipagsagutan nila sa ibang lahi.

Pakiusap ni Pia, “Mga kababayan wag na po tayong mag-comment ng masama tungkol sa ibang lahi.

“At wag na po tayo pumatol sa mga bashers. Nanalo na po tayo, sapat na po yun.”

Naging malaking usapin sa international scene ang Miss Universe 2015 pageant matapos magkamali ang American host na si Steve Harvey na ianunsiyong nanalo sa pageant si Miss Colombia at first runner-up si Pia.

Subalit ilang minuto ang lumipas, muli siyang pumunta sa gitna ng stage at nilinaw na si Pia ang Miss Universe 2015 at si Miss Colombia ang first runner-up.

Kamakalawa, lumikha rin ng ingay ang pagsunog ng effigy ni Pia ng Colombian na si Noider Almanza Barraza, na ikinagalit ng mga tagasuporta ni Pia.

Humingi na ng tawad si Barraza at sinabing wala siyang intensiyong makasakit at makainsulto


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN