Andrea del Rosario on her vice mayoralty plan: "It's been long overdue."

Andrea del Rosario narrates what inspired her to run for the vice mayoralty post in her hometown in Calatagan, Batangas in this year's elections: "Knowing the political landscape nga of my town and what's going on there, ganun lang nagsimula yun and with help from people. Kaya ako nagtuluy-tuloy na."


Bukod sa pagiging negosyante, papasukin ngayon ng dating Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario ang mundo ng pulitika.

Tumatakbo siyang vice mayor sa Calatagan, Batangas, ngayong 2016 elections.

Pahayag ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “In a way, this has been long overdue.

“I’ve been invited last election pa by my running mate.

"Pero dahil merong medical condition ang bagets ko, I turned it down.

“Pero nasa ano ko na rin yun... from my father’s passing away to what happened to my daughter.

“You know, parang I wanted to do something for my town.

“And knowing the political landscape nga of my town and what’s going on there, ganun lang nagsimula yun and with help from people.

"Kaya ako, nagtuluy-tuloy na.

“May friends din akong tumutulong sa campaign ko. Marami akong friends na tumutulong.”

RISING TO THE CHALLENGE. Ayon kay Andrea, naisip din niyang konsehal muna sana ang tatakbuhin niya.

“After I turned it down, originally talaga, as councilor. Then, my running mate asked me again and may available spot.

“So, sabi ko, 'Sige, let’s do it.'

“Alam ko rin naman how much it takes to run and knowing my opponents, kung sino sila, anong nagawa nila, kapalpakan nila.

"Sabi ko, 'Teka muna, baka parang it’s a sin to turn it down.'

“I know what they’re doing, it’s a small town.”

Na-challenge siya?

Paglilinaw niya, “Hindi ako natsa-challenge. I felt the responsibility to say yes and knowing myself, parang ganun.

“With all humility, ha, hindi ko naman sinasabing ang yabang ko, pero knowing what they did in their terms, parang ganun.”

Family dynasty raw kasi ang nakaupo ngayon sa kanilang bayan sa Calatagan.

Bilang family dynasty pala ang makakabangga niya, sa palagay ba ni Andrea ay nakahanda na ang bayan nila sa pagbabago?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktres, “Yeah, it’s been long overdue. Lalo na at babalik yung dating mayor and meron din silang family feud.

“Actually, kung buhay pa ang daddy ko, baka siya ang maging pulitiko”

READY FOR POLITICAL INTRIGUES. Dahil iba at madalas sabihinng magulo at marumi ang mundo ng pulitika, inaasahan na raw ni Andrea na maraming ibabato sa kanyang paninira.

Hindi pa ba siya sinisimulang batuhin ng mga paninira o isyu?

“They did, mga Facebook-Facebook, pero it’s local.

“My life is an open book. They know the story.

"They know the father of my kid, hindi naman ako nagtatago.

“So, I’m ready. Ready naman.

“Alam ko naman kung ano ang magiging propaganda nila.

“Nagpaseksi... ganito, ganito ang istorya niyan. Personal life, experience, competency.”

Paano kung sa aspetong yun siya tirahin?

Natatawa niyang sabi, “E, meron bang sexy star na nag-Masters?”

Earlier this year, Andrea attained her Masters degree in Entrepreneurship from the Asian Center for Entrepreneurship & Management Education (ACE-ME)-Ateneo, Rockwell Center, Makati City.

Patuloy niya, “With all humility naman, ang ibig kong sabihin, hindi naman ako sumabak, hindi naman ako nag-prepare na...

"Well, marami pa akong dapat malaman dahil ibang field ‘to, pero nag-stop naman ako ng showbiz.

“I don’t know if you’ve noticed, hindi man stop totally, pero unti-unti lang.

“Pinapa-belly dance pa more ako, sorry, hindi na pupuwedeng ilabas ang belly ko.

“I turned down so many roles, so many movies.

"Siyempre, I will still be visible. Pero kung ito ang magiging priority ko, hindi na.”

Kahit artista, naniniwala si Andrea na ang pinakamahirap sa kanya ay sa local position siya tatakbo.

“Ang challenge ko kasi is first-name basis. Yung pinsan ni ganito, wala ako nun.

"Hindi ako katulad nila na ninong sa kasal ni ganito.

“That’s why nga I had to stop earlier to show them na, 'Okey, you might not know me like that, but magtatrabaho ako for you.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is what I do, marami rin akong ginagawa.”

LOVE LIFE. Sa interview namin kay Andrea, kasama nito ang ipinakilala niyang “special friend”—isang race car driver at tumatakbo rin bilang konsehal naman sa Nueva Ecija.

Inamin ni Andrea na 13 taon ang nakalilipas mula noong maging sila hanggang sa magkahiwalay; at may tatlong buwan pa lang daw mula noong mag-krus muli ang kanilang landas.

Sila na bang muli?

Sagot niya, “Well, we’re not rushing things.

“Thirteen years ago, iba ang priority naming dalawa.

“Now, we’re both entering politics, so bottom line, that’s our priority.

“With regards to the personal side, siyempre so many things that have to talk about.

"Ewan ko kung doon talaga hahantong. Basta, we’re very fond of each other.

“Open book naman ang life namin.

"He knows the father of my kid. They’re of the same business pa nga.

"I know his stories.

“I don’t know how to name the kind of relationship this is, but if you’ll ask me if I’ll get married soon, oo naman!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN