Miss Colombia on Pia Wurtzbach: “She is Miss Universe.”

While Miss Colombia Ariadna Gutierrez said that she won't do porn videos, she is willing to pose nude as long as it is done in good taste.


Nagsalita si Miss Colombia Ariadna Gutierrez tungkol sa kanyang nararamdaman para kay Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach, ang reaksiyon niya sa offer na gumawa ng porn movie, at iba pang detalye tungkol sa kontrobersiya sa Miss Universe 2015 pageant.

Nagkaroon ng tell-all interview si Miss Colombia sa February 2016 edition ng TVyNovelas, isang Mexican showbiz magazine, na ipinost ang ilang bahagi ng article sa website nito.

Sa nasabing article, sinagot ni Ariadna ang tanong kung may “resentment” ba siya kay Pia.

Matatandaang sina Ariadna at Pia ang naging mahigpit na magkalaban sa Miss Universe 2015 crown.

Nagkaroon ng kontrobersiya sa announcement ng winner dahil nagkamali ang host na si Steve Harvey sa pagtawag kay Miss Colombia bilang Miss Universe 2015, sa halip na si Pia na kinatawan ng Pilipinas.

Pahayag ni Ariadna tungkol kay Pia, “Not at all. We get along very well and we are searching for peace because it has generated a sort of conflict between the Latin community and them. She is Miss Universe."

Malaman pa niyang dagdag, “I was it for four minutes, and for many I still am.”

Sinabi rin ni Miss Colombia na hindi nag-sorry sa kanya ang host na si Steve Harvey.

Sa tanong naman kung sa palagay ba niya ay honest mistake ang nagawa ni Harvey, direktang sagot ni Ariadna: “That day I felt a lot of resistance from the public over what happened.

"I think if you have a teleprompter, it’s very easy to rectify it immediately.

"The vibe that prevailed is that no one thought that was a mistake.”

Nang mangyari ang pagkakamali, naisip pa rin daw ng Latina beauty na panatilihin ang kanyang dignidad.

“I thought, 'I’m such an idiot, I should not have left. I should have stayed there.'

"But before anything, having dignity is the most important thing.

"I am Miss Universe to Colombia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I put on the crown before anyone else and mine and Colombia’s name will be in videos for centuries and centuries to come.

“It’s something that had never happened. I went to the pageant for a crown and made history.”

ON DOING PORN. Nagsalita rin si Miss Colombia sa offer sa kanyang gumawa ng porn video.

Aniya, hindi siya papayag gumawa ng porn videos pero kikukunsidera niya ang pagpo-posean ng nude sa isang kundisyon.

“I would never do it. It doesn’t go with who I am,” sagot niya tungkol sa paggawa ng porn.

Sa pagpu-pose naman nang nude, ani Ariadna: “Well, the truth is this is the first time the idea has been presented to me.

"I have seen nudes that are beautiful, including many former Miss Universe winners, and they have come out really well.

“Yes, I would. I would never do a porno, but I would do nude photos. As long as it’s not vulgar.

"I went to the pageant for a crown and made history.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN