Rosanna Roces defends Cathy Garcia amid talents' complaints against the director

Rosanna Roces reacts to alleged humiliation experienced by ex-Forevermore talents under director Cathy Garcia: “Kami man ay nakatikim din ng katakut-takot na panlalait at pagmumura bago kami talagang natuto at naging magaling.”


Nagbigay ng opinyon ang aktres na si Rosanna Roces kaugnay ng diumano'y pagpapahiya ng direktor na si Cathy Garcia sa dalawang talents o bit players sa dating teleserye ng ABS-CBN na Forevermore.

Sina Rossellyn Domingo at Alvin Campones ay nagpahayag ng reklamo laban sa direktor matapos umano silang mapahiya sa pamamagitan ng pagsigaw at pagmumura sa kanila ng direktor.

Read: Talents relate humiliation they suffered from director Cathy Garcia on Forevermore set

Base sa karanasan ni Rosanna, ang inirereklamong naging gawi ni Direk Cathy ang umano'y nakatulong sa kanya para maging mas magaling na aktres.

Sa kanyang Facebook post, sabi ni Rosanna: “Kami man ay nakatikim din ng katakut-takot na panlalait at pagmumura bago kami talagang natuto at naging magaling.”

Naiintindihan din daw ng 43-year-old actress ang panig ni Direk Cathy dahil minsan niyang naranasan ang maging katuwang ng isang direktor.

Aniya, “Napakahirap maging direktor...sinubukan kong minsan katuwang ni Direk Buboy Neal Tan at di ko na sinubukang muli.

“Grabe ang stress, pressure at pagod. di ko kaya.

“May mga bagay pala talagang kinakaya ng sariling pag-iisip at lakas pero marami ring hindi.

"Hindi ko na muling binalikan ang pangarap na makapag direk.”

Ayon pa kay Rosanna, ang sinasabing pagpapahiya ni Direk Cathy ay hindi tumatagal sa isip o guni-guni ng mga pagod na crew, “Mas masahol pa diyan ang nararanasan nila.”

Sa huli, sinabi ng aktres na madalas ay hinahayaan na lamang ang “topak” ng mga tao sa production.

“Kami ay merong sagradong Batas na tahimik na pinatutupad..yan ay ..ME KANYA KANYA TAYONG TOPAK...ARTISTA KA MAN O DIREKTOR...

“I RERESPETO KO ANG TOPAK MO NGAYON.. PERO PAG AKO ANG TINOPAK RESPETO MO DIN!! ganyan kasimple pero ang kinalalabasan nyan ay isang MAGANDANG OBRA.”

Paalala pa ni Rosanna, “Ang Showbiz ay hindi para sa mga Balat Sibuyas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rosanna ay unang nakilala bilang isang bold star, ngunit sa paglipas ng panahon ay nabigyan siya ng mapanghamong papel sa ilang pelikula na nagpakita ng kahusayan niya sa pag-arte.

Ilan sa mga markado niyang mga pelikula ay ang Ang Lalaki Sa Buhay ni Selya (1997), Curacha Ang Babaeng Walang Pahinga (1998), Ang Babae Sa Bintana (1998), La Vida Rosa (2001), Wanted: Border (2009), at Presa (2010),

Sa ngayon ay wala pa ring reaksiyon si Direk Cathy o ang ABS-CBN management sa reklamo laban sa direktor.

Gayunpaman, nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Direk Cathy o ng ABS-CBN management tungkol sa isyu.

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Rosanna Roces:

Ang Showbiz ay hindi para sa mga Balat Sibuyas. Kami man ay nakatikim din nang katakut takot na panlalait at Pagmumura...

Posted by Jennifer Cruz Adriano on Saturday, January 2, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN