Direk Peque Gallaga sides with bit player versus Direk Cathy Garcia

by Bernie V. Franco
Jan 4, 2016
Veteran film director Peque Gallaga showed his support to "ekstra" Alvin Campomanes, who said that Direk Cathy Garcia verbally abused him on the set of the now-defunct primetime teleserye Forevermore.

Kinatigan ng beteranong direktor na si Peque Gallaga ang talent at historian na si Alvin Campomanes sa kanyang reklamo laban sa movie and television director na si Cathy Garcia.

Ayon kay Campomanes, nakaranas siya ng verbal abuse mula kay Direk Cathy habang nagti-taping para sa dating teleserye ng ABS-CBN na Forevermore.

Sa Facebook status ni Campomanes kagabi, January 3, pinasalamatan niya si Direk Peque sa ipinakita nitong suporta hinggil sa isyu.

Pahayag ni Campomanes sa kanyang post: “Ngayon ko lamang nakita ito. Maraming salamat po, Direk Peque Gallaga!"

Ibinahagi rin ni Campomanes ang post umano ni Direk Peque sa kanyang Instagram account sa ilalim ng pangalang Nelson Bakunawa:

“Sharing. Let the power of social media unearth these pathological bullies. And, of course, ABS CBN didn’t lift a finger to help, or to even address the issue.”

Naka-share din sa post ni Campomanes ang link ng artikulo ng Interaksyon.com tungkol kay Direk Peque.

Continue reading below ↓

Ngayon ko lamang nakita ito. Maraming salamat po, Direk Peque Gallaga!Sharing. Let the power of social media unearth...

Posted by Alvin Campomanes on Sunday, January 3, 2016

Nag-ugat ang isyu sa open letter ni Rossellyn Domingo, girlfriend ni Campomanes at naging ekstra rin sa Forevermore na pinagbidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Sa nasabing letter, idinetalye ni Rossellyn ang umano’y naranasan niyang panlalait at panghihiyang ginawa umano ni Direk Cathy sa kanilang magkasintahan na bit players o ekstra sa set ng teleserye.

Gumanap sina Rosselyn at Alvin bilang mag-asawa sa teleserye, bilang sina Celia at Makoy.

 Read: Talents relate humiliation they suffered from director Cathy Garcia on Forevermore set

Read Next
Read More Stories About
Direk Cathy Garcia Molina
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran film director Peque Gallaga showed his support to "ekstra" Alvin Campomanes, who said that Direk Cathy Garcia verbally abused him on the set of the now-defunct primetime teleserye Forevermore.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results