Claudine Barretto looks back at late boyfriend Rico Yan’s love letters

Claudine reminisces about good times with late boyfriend Rico Yan. "Enjoy your sleep - I know you're tired and you need to rest. So, just call me when you wake up, ok? And I'll see you tonight. Again, thank you so much for last night, my bombshell girlfriend... I love you," wrote Rico in one of his love letters to Claudine.


Nitong nakaraang Kapaskuhan, ginunita ni Claudine Barretto ang mga masasayang alaala sa piling ng namayapang nobyo na si Rico Yan.

Matatandaang apat na taon na silang magkarelasyon nang bawian ng buhay si Rico, 13 taon na ang nakararaan.

Sa Instagram post ni Claudine noong December 28, nagbahagi siya ng larawan kasama si Rico kalakip ang isang handwritten love letter mula sa binata.

Dito ay makikita ang pagiging romantiko ni Rico bilang boyfriend ni Claudine.

Sabi ni Rico sa kanyang liham: “To my hunny,

“By the time you read this, I must be in CDO [Cagayan De Oro] already.

“Just want to thank you for last night.

“You were wonderful!!!

“And because of that, I'm sure I'm gonna have a hard time sleeping without you by my side tonight [sad smiley].

“But nevertheless, I still love you very much!

“MWAH!!!”

We @tinamarieyan miss u terribly

A photo posted by @claubarretto on

Umabot hanggang mahigit 38,900 likes at 2,891 comments ang naturang post ni Claudine.

Karamihan sa comments ay mula sa masugid na tagasuporta nina Claudine at Rico, na bukod sa pagiging magkasintahan ay kabilang din sa mga pinakasikat na love team ng kanilang henerasyon.

Ilan pa sa fans ng dating love team ay nagbahagi kung gaano nila ikinalungkot ang pagpanaw ni Rico noong March 29, 2002. Siya ay 27 years old.

Biglaan ang pagkamatay ni Rico dahil sa hemorrhagic pancreatitis, habang nagbabakasyon kasama ng ilang kaibigan sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

MISSING RICO. Bunsod nito, may ilang humiling kay Claudine na mag-post ng iba pang love letters na natanggap niya mula sa binata bilang pag-alala rito.

Pinaunlakan naman ni Claudine ang hiling ng kanyang Instagram followers, base na rin sa love letters na ipinakita niya kahapon, January 3.

Kalakip nito ang caption kung saan sinabi ni Claudine na maging ang kapatid ni Rico na si Tina Marie Yan ay sadyang nami-miss din ang namayapang aktor.

As Promised my Palanggas.this is from. @tinamarieyan & i. #sistersforlife??

A photo posted by @claubarretto on

RICO CALLS CLAUDINE "PUMPKIN, MY BOMBSHELL GIRLFRIEND." Kapansin-pansin ang pagkaromantiko ni Rico dahil kahit wala pang 24 hours na mawalay sa kanya si Claudine ay nag-iiwan ang aktor ng love letter para sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay makikitang sweet girlfriend din si Claudine na mahilig magluto at magrekomenda ng paborito nitong pelikulang papanoorin nila ni Rico.

Ani Rico sa isa pang love letter niya kay Claudine:

“Dear Pumpkin,

"Hi there! I went ahead na.

"I wanted to wake you up to say goodbye to you personally, but I guess the wine was a bit too strong for you.

"So instead, I wrote you this note.

"Thank you for the wonderful dinner - I had such a great time!!

"And you were right (again!) - the movie was nice.

"I sincerely hope that we could do this more often.

"Enjoy your sleep - I know you're tired and you need to rest.

"So, just call me when you wake up, ok?

"And I'll see you tonight.

"Again, thank you so much for last night, my bombshell girlfriend.

"I enjoyed every minute of it!!!

"I LOVE YOU!!!!!

“[Heart] Puppy.”

@tinamarieyan only to make RY's fans happy fr @tinamarieyan & i????????

A photo posted by @claubarretto on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN