Regine Velasquez inks two-year exclusive contract with GMA Network

Nananatiling Kapuso ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos siyang muling pumirma ng exclusive at guaranteed contract sa GMA Network ngayong Lunes, January 4, 2016. Nakatakdang gumawa ng isang weekly musical-variety show at teleserye si Regine sa GMA na planong ipalabas sa darating na Marso.


Pumirma muli ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ng dalawang taong exclusive at guaranteed contract sa GMA Network.

Ginanap ang contract signing ngayong Lunes, January 4, 2016 sa GMA Boardroom, 16th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City, kung saan kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ilang piling media na inimbitahan.

Suportado ng halos lahat ng executives ng istasyon ang muling pagpirma ni Regine sa Kapuso Network.

Bukod kay Atty. Felipe L. Gozon (Chairman and CEO), present din sina Lilybeth Rasonable (SVP for Entertainment TV), Marivin Arayata (VP for Entertainment TV), Redgie Magno (VP for Drama), Darling de Jesus (AVP for Entertainment TV), Cheryl Ching-Sy (AVP for Drama), Gigi Lara-Santiago (GMA Artist Center head), at ang kapatid at manager ni Regine na si Cacai Mitra.

(Regine with Atty. Felipe L. Gozon)

(Regine with Gigi Lara-Santiago, Darling de Jesus, Lilybeth Rasonable, FLG, Cacai Mitra, Redgie Magno, Marivin Arayata, and Cheryl Ching-Sy.)

Aminado si Regine na kinakausap din siya ng ibang istasyon, pero nananatili raw talaga siyang loyal sa Kapuso network.

Ikinatuwa naman ito ni Atty. Gozon.

Pahayag ng GMA Chairman at CEO, “We are also loyal to her. We are glad that she chose us.”

Biro pa nito, “Matagal na kaming may relasyon ni Regine. Kaya nagkaintindihan na kami. Tsaka inaanak ko sa kasal 'yan.”

Baling naman ni Regine, “I wanna say, since the bosses are all here, thank you.

"And I’m very grateful to all my bosses because I was given enough time to be with my son, I’m really happy about that.

"So now, they gonna make me work. Malaki naman na daw si Nate, puwede na raw, nakakaintindi na raw.

“Siyempre importante yun sa akin na nagkaroon ako ng kaunting time to be with him.

"Four years na talagang konti-konti lang yung work. Hindi ako masyadong nabigyan ng maraming load.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, na-appreciate ko yun, so thank you."

Apat na taon na ang nakalilipas nang palitan si Regine sa teleseryeng I Heart You Pare dahil sa kanyang maselang pagbubuntis.

Pumalit sa kanyang role noon ang dating Kapuso actress na si Iza Calzado.

LOYALTY. Tungkol naman sa pagiging loyal sa network, ipinaliwanag ng Sarap Diva host na hindi naging madamot ang GMA executives sa kanya noong panahong nabuntis siya sa kanilang panganay ni Ogie Alcasid.

Lahad niya, “Kasi, they have been really, really good to me.

"Like I said, you know, when I got pregnant in the middle of the soap, sila pa yung nagsabi na, ‘O, sige, magpahinga ka na.’

“Nagulat nga talaga ako. Although, it’s such an inconvenience for them.

“They got another actor to play my role and that’s not easy to do kasi parang sinisira mo yung show, e.

“But they gave me that break kasi, for them, it’s important for me to rest.

"Kasi I was forty when I got pregnant. So, siyempre delikado na yun.

“Naintindihan nila yung sitwasyon ko and I’m very, very grateful for that.

"Even after I gave birth, I was given time to be with Nate, to be a mom.

"Binibigyan ako lagi ng projects pero parang they make sure na I still have time with Nate.

“Kasi sinasabi ko rin na, 'Puwede bang meron akong time with my son?'

"They have given me all the time in the world.

"Even coming back, hindi ako pinressure.”

BUSY 2016. Ano ba ang mga nakalinya sa kanyang proyekto sa GMA ngayong 2016?

Ayon kay Regine, “Actually madami, e, I’m doing a musical-variety-comedy show.

"That was last year pa yun [dapat] and ngayon lang talaga naayos.

"And the second one is a soap. I’m going back to doing soap. It’s also light comedy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikita sa mukha ni Regine na nae-excite siya na muling gumawa ng soap.

Kuwento niya, “Because the last one I did was I Heart You Pare, which was four years ago. Yun yung nabuntis ako.

“Yung role na ibinibigay nila sa akin ngayon is very interesting.

"Kasi the character, medyo parang cold, parang robot siya.

"Yun muna yung puwede kong sabihin. Basta it’s a different character for me to play.

“Kasi it seems I’m more effective sa mga character-driven roles.

"So, here’s another character naman na different sa aking personality.

"Kasi sometimes, it’s harder pa to play kapag medyo malapit pa sa ‘yo, e.

“Kasi it's confusing, one. Two, hindi mo masyadong malaro.

"Unlike totally different from you, mas madaling malaro.

"So, I’m excited to do roles that are, like I said, character-driven.”

Tungkol naman sa musical-variety show, sabi ni Regine, “Yun yung interesting kasi dun mo makikita yun bang Regine naman na comedian.

"Apparently, komedyante na ako, e. So, may mga gags, may mga skits.

"So, dun naman makikita mo yung side ko na nakakatawa.

"Kasi ako, yung mga ginagawa ko naman na show, mostly their musicals, variety show, musical lang talaga yun, nakakatuwa kapag may spiel.

“Pero ito, sasadyain na merong comedy. So, it’s different, once a week.”

Pero hindi naman daw ito papalit sa Sunday PinaSaya.

Biro pa niya, “Wala e, hindi puwede, tinumba na yung kalaban.

Ang katapat na programa ng Sunday Pinasaya sa ABS-CBN ay ang ASAP, na mahigit 20 years na sa ere.

HIGHEST PAID? Tanong ng PEP kay Regine: Maituturing bang siya na ang highest paid talent ng GMA?

Tawang-tawang sagot nito, “Hello, Kim [Henares, BIR Commissioner]? Hello, Kim?"

Dagdag ni Regine, “Hindi naman siguro... Huwag ka nang ganyan, may junakmich [anak] na ako, hindi ako sure!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN