Regine Velasquez won't campaign for any politician in 2016 elections

Regine Velasquez on political endorsements: "My father [the late Mang Gerry] kahit noong mahirap pa kami, hindi 'yan tumatanggap ng bayad kapag may politician na nag-aano sa akin na kumanta ako dun para i-endorse ko 'tong politician na ito."


Kahit hindi siya pinagbabawalan ng GMA Network na mag-endorso ng political candidate, ayaw ni Regine Velasquez na mangampanya para sa isang pulitiko ngayong 2016 elections.

Pahayag ng Asia's Songbird sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’ve only endorsed one [politician, President Noynoy Aquino] actually.

"Even in my younger years, I never, if you notice, wala talaga akong inendorso kasi it’s hard, e.

“It’s hard to endorse one politician tapos yung next, saan na naman. Ayoko yung feeling na…

"I usually endorse people that I know or our friend. And I don’t get paid for it.

“Hindi ako kumikita sa eleksiyon, hindi ako naniniwala, e.

“Kaming mag-asawa, although napakalaking raket... sa totoo lang, napakalaking raket, kaya lang we don’t believe in it.

“I don’t know, it’s been my… tatay ko kasi 'yan, e. My father [the late Gerry Velasquez], kahit noong mahirap pa kami, hindi 'yan tumatanggap ng bayad kapag may politician na nag-aano sa akin na kumanta ako dun para iendorse ko 'tong politician na ito.

“I would only sing sa politician na kilala niya at kaibigan niya, at he believes in that person.

"So, parang nakuha ko yun. So, ever since then,  hindi na talaga ako nag-endorse.”

Natatakot din daw si Regine na mag-ikot sa mga probinsiya para mangampanya. Gusto ray niya ngayong maging maingat sa pag-endorso.

PRESIDENTIAL BETS.  Dahil nakakabit ang pangalan ng asawa niyang si Ogie Alcasid kay President Noynoy Aquino, marami ang nagsasabing baka si Mar Roxas ang susuportahan nilang mag-asawa.

Pero natatawang tanggi ni Regine, “No, no! Not at all.”

May ikakampanya ba sila sa pagka-presidente?

Paliwanag ni Regine, “Depende. Ang asawa ko kasi, he’s for Grace Poe.

"But they’re having a hard time right now. If ever siguro, siya, but… that’s it.

“Wala pa rin kaming bayad dun. Hindi pa rin kami kikita dun. Kay day job na lang kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag ni Regine na alam niyang malaki talaga ang ibinabayad ng mga pulitiko sa mga artista, lalo na yung may malalaking pangalan sa industriya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN