Aiza Seguerra and wife Liza Dino bent on having a baby via IVF

Aiza Seguerra on plans of resorting to In Vitro Fertilization: "Ang mangyayari is we have to be there in the States siguro mga two months dahil ang mangyayari is I have to… sa akin kasi manggagaling yung egg. So, yung eggs ko, kailangan pare-pareho sila ng laki para pag-gather nila ng eggs pantay-pantay. And then, they will store it, they will freeze it. And by the time… siyempre by then mayroon na rin kaming donor [for the sperm] by the time ready na [yung egg]."


Masayang ibinalita ni Aiza Seguerra na posibleng ngayong taon na nila ituloy ng asawa niyang si Liza Diño ang planong magkaroon ng anak.

Magandang pagkakataon daw ito, lalo na't unti-unti na silang nakababawi sa dinanas na financial problem noong 2015 dahil sa pagkawala ng ilang trabaho.

Saad ni Aiza, “Yes, towards the end of the year siguro, hopefully.

“Pero siyempre kailangan ding pag-ipunan.

"Pero more than that siguro, happy lang kami na medyo mas maluwag na in terms of finances.

"Tapos eto, I’m blessed with work. I have Born To Be A Star, I have Princess In The Palace also.

"My album is doing good naman with Universal (Records),” sabi ni Aiza.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Aiza sa presscon ng Born To Be A Star noong Lunes, Enero 4, sa Music Hall sa Metrowalk, Ortigas.

IN VITRO. Anong procedure ang gagawin nila ni Liza para magkaroon  ng anak?

Sagot ni Aiza, “We’re planning to do IVF, In Vitro Fertilization.

"So, ang mangyayari is we have to be there in the States siguro mga two months dahil ang mangyayari is I have to… sa akin kasi manggagaling yung egg.

“So, yung eggs ko, kailangan pare-pareho sila ng laki, para pag-gather nila ng eggs, pantay-pantay.

"And then, they will store it, they will freeze it.

“And by the time… siyempre by then mayroon na rin kaming donor [for the sperm] by the time ready na [yung egg].

"So, this is the egg, this is the sperm, iaano nila until it becomes an embryo, and then ipapasok nila kay Liza.”

Pwede ba nilang piliin ang sperm donor?

Tugon ni Aiza, “Yes, yes, we really have to choose. Siyempre gusto naming malaman.

“Ang maganda rin sa mga cryobank [sperm bank], kumpleto sila.

"As in ipapakita nila sa iyo yung psychological profile nito, anong hitsura, anong race niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, ako, I want someone who’s very artistic also, di ba?”

Biro niya, "Parang hindi yata bagay sa akin kung magkakaroon ako ng anak na magiging mathematician.

"Alam mo yun, hindi ko siya matutulungan sa growth niya.”

Naikonsulta na ba nila sa doktor na ang eggs niya ang ipapasok kay Liza?

“Yes, actually, I had myself checked last year. Okay naman.

"My eggs are fine, unused, but fine,” biro ulit ni Aiza.

Dagdag niya, “Liza is okay also.

"So, iyon na lang ang hinihintay namin. Iyon lang, matagal kaming mawawala.

“Kailangan lang ng time din. At saka kahit papaano, kapag makadiskarte rin kami ng work.”

Magkano ang posible nilang gastusin sa procedure na ito?

“If sa first try pa lang okay na kaagad siya, siguro nasa mga $11,000. Iyon sa first try.

"But if not, basta sana at least mayroon kaming P1.5 million for that,” sagot ni Aiza.

HER OWN FLESH AND BLOOD. Desidido ba talaga si Aiza na sariling eggs niya ang ipapasok kay Liza para magkaroon siya ng “contribution” sa magiging anak nila?

Siyempre, may magtatanoong kung bakit hindi eggs ni Liza ang gagamitin sa IVF.

Saad ni Aiza, “Yes, of course. I really wanna have my own.

"Talagang masasabi kong flesh and blood ko.

"And at the same time, suwerte rin dahil Liza will carry [the baby].

"Parang it’s shared responsibility na it’s ours talaga."

“White race” o American ba ang gusto ni Aiza?

“Let’s see... malay mo, Brazilian. That’s one good thing sa mga cryobank talaga, there’s a lot of choices.

“Tapos talagang may profile talaga. Malinis ang trabaho and they will also take care of the legalities.

“Talagang anonymous, and then basta they will protect you.”

Ano ang characteristics ang gusto niya para sa magiging anak nila ni Liza?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Aiza, “Siyempre since maliit ako, maghahanap ako ng matangkad, di ba?”

Anong nationality?

Tugon ni Aiza, “Kasi maganda ang mix ng Filipino talaga, e, with either white or kahit yung mga mulatto maganda rin, e.

"So, let’s see. Titingnan ko muna. Ayoko munang mag-ano [magsabi].”

Single child or twins?

“Usually kasi pag nag-i-implant sila, more than one ang nilalagay nila just to be sure.

"Kasi since mahal yung process, they wanna be sure na may mabubuo talaga.

“Kaya napansin mo lately ang daming twins na ipinapanganak because they usually implant more than one,."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN