Benjie Paras approves of Kobe's new girlfriend

Benjie Paras on son Kobe: “Si Kobe naman, kapag nagkaroon ng girlfriend, very emotional siya, e. Yun ang gusto ko sa kanya na hindi niya tinatago. Emotional yung bata, e, dun makikita na hindi niya itinatago.”


Tanggap ni Benjie Paras ang girlfriend ngayon ng anak niyang si Kobe Paras na si Gabrielle Current.

Ayon sa basketball star turned comedian, matagal na niyang nakilala ang 18-year-old girlfriend ni Kobe at hindi naman daw isyu ito sa kanila.

“Nakilala ko na yun dati pa. Mabait naman yung bata sa nakikita ko,” sabi ni Benjie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa Amerika raw nakatira si Gabrielle at magaling daw itong kumanta.

Sinubukan din daw nitong magkaroon ng singing career sa Pilipinas, pero bumalik din sa Amerika dahil nahihirapan itong mag-Tagalog.

|| where it all started || ?????? ||

A photo posted by Kobe™ (@_kobeparas) on

Ayon pa kay Benjie, alam niyang sobrang ma-in love si Kobe at nakikita ito sa mga ipinu-post ng basketball star sa kanyang Instagram account.

“Si Kobe naman, kapag nagkaroon ng girlfriend, very emotional siya, e.

“Yun ang gusto ko sa kanya na hindi niya tinatago.

“Emotional yung bata, e, dun makikita na hindi niya itinatago.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjie sa presscon ng pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin kahapon, January 4.

Hindi naman daw nagkulang sa pagpapaalala si Benjie sa kanyang anak, at buo ang tiwala niyang hindi ito makakaapekto sa pag-aaral at basketball career ni Kobe sa Amerika.

“Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo yung rason bakit nandiyan ka—to have a good degree and to play basketball and to improve well, and be ready for college.’

“Ipinangako naman niya yun sa amin.

“Ang advice ko sa kanya, ‘If you want to fall in love, okay lang. Tapos kung it doesn’t work out, maging matibay ka lang.’”

ANDRE PARAS. Samantala, napagkasunduan naman ni Benjie at ng panganay niyang anak na si Andre Paras na isantabi na ang paglalaro ng basketball.

Napagdesisyunan nilang mag-focus na lang si Andre sa kanyang pag-aaral at sa kanyang showbiz career.

Sabi ni Benjie, “Hindi puwedeng pagsabayin talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap maging full-time athlete kung nag-aartista ka.

“Studies and showbiz lang talaga, kailangan i-give up yung isa.

“Pinapili ko naman siya at pinag-usapan naman namin nang mabuti. Maganda naman ang resulta.

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Bata ka pa, hintayin natin ang panibagong taon. You’re still young, you can still play.’

“Sabi ko nga, ‘Ibigay mo na kay Kobe yun.’”

Masaya na raw si Benjie sa career plan ng GMA Network kay Andre dahil pagkatapos ng The Half Sisters, mayroon na raw kaagad itong bagong teleserye katambal si Barbie Forteza—ang That’s My Amboy.

“Maganda naman na sa primetime na siya,” sambit ni Benjie.

Sina Andre at Kobe ay mga anak ni Benjie sa dati niyang asawa na si Jackie Forster.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN