Pops Fernandez meets ex-husband Martin Nievera’s son with Katrina Ojeda for the first time

Pops Fernandez on meeting ex-husband Martin Nievera's son with Katrina Ojeda for the first time: “It’s okay. He’s a very cute kid. The feeling was, it felt good. Parang ito yung kinakatakutan ko noong araw. Yun pala, okey na. And I know that feelings are healed already."


Laman ng Instagram account ni Pops Fernandez nitong nakaraang holiday season ang pagsasama nila ng dating asawa na si Martin Nievera, mga anak nilang sina Ram at Robin, at ang anak ni Martin kay Katrina Ojeda na si Santino sa Las Vegas.

Kuwento ni Pops, “Actually, nagkita lang kami siguro a couple of hours.

"Kasama niya [Martin] si Kuya [Robin] at saka si Ram. Nag-guest si Kuya sa show niya sa Vegas, I think.

“Tamang-tama, plinano ko talagang mag-Christmas sa States with my boys.

"So, nauna na ang mga bata. Tapos, ipinasa niya lang sa akin ang mga anak ko after.

“So, nagkita lang kami, less than a hour, I think.”

Para pala silang “one big happy family”?

Reaksiyon ni Pops, “Well, for less than an hour, we were one big happy family. And it was good.

"Kasama niya [Martin] rin ang kanyang anak, si Santino. First time I met him.

“Nice naman, even for a short while, nagkita-kita kami before Christmas and it was a good feeling.”

Uber modern family.....

A photo posted by popsfernandez (@popsfernandez) on

MEETING MARTIN’S OTHER SON. Bakit ngayon lang nakita ni Pops ang anak ni Martin na si Santino?

 Tugon ni Pops, “First time lang ipinakilala ni Martin sa akin.

“It’s okay. He’s a very cute kid.

"The feeling was, it felt good.

"Parang ito yung kinakatakutan ko noong araw. Yun pala, okey na.

"And I know that feelings are healed already.

 “Lahat ng wounds na open noong araw, I know that it’s already closed.”

 Kumusta naman si Santino kay Pops?

 Tugon ng Concert Queent, “Okey naman. He’s a very sweet kid.

"Again, it was a moment. It’s very short but it’s a nice moment."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang press si Pops sa presscon ng Born To Be A Star, ang bagong singing competition ng TV5 at VIVA, kahapon, January 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

.... Santino

A photo posted by popsfernandez (@popsfernandez) on

IN THE END. Napakatagal na nilang hiwalay ni Martin at napakarami nang nangyari sa kani-kanilang buhay.

Pero dahil sa Instagram post na magkasama sila, umasa uli ang ilan sa mga tagahanga nila na posibleng magkabalikan sina Martin at Pops.

 “Wala na!” natatawang sabi ni Pops.

“I think it’s because okay na kaming lahat.

"Kumbaga, it’s really a realization na Martin and I can really be good friends and we can live our lives.

“We’re happy and we’re individually on our own. Happy with our lives, di ba?”

Pero posible kayang sila pa rin ni Martin ang magsama pagtanda nila?

Tugon ni Pops, “No. Martin has his own life and I think I also have mine.

"Kumbaga, nasanay na rin ako sa certain way of life ko na medyo single at saka mahirap to get there, mahirap to be independent.

 “And it took me a while to get used to it and now that I’ve been used to it, because it’s been how many years, alam mo yun?”

POPS' LOVE LIFE. Kahit na anong pilit ng entertainment press na paaminin si Pops sa estado ng kanyang love life ngayon, mariin niyang sinabi wala siya nito ngayon.

“Wala nga! Totoo yun!” natatawa niyang sabi.

Balita kasing nagtapos na ang relasyon ni Pops sa isang non-showbiz guy kamakailan lang.

Sadyang tahimik lang ba si Pops sa love life niya?

Sagot ng singer, “Yeah, I don’t wanna share my love life. Kasi, parang mas nakaka-pressure, di ba?

"Kagaya niyan, wala naman. Mag-e-explain na naman ako.”

Ayaw na ba niya sa non-showbiz guy?

“Unang-una, hindi nga ako masyadong showbiz. Hindi nga ako lumalabas. So, huwag na rin.

"Kasi, parang complicated na nga yung life ko, mas magiging complicated pa,” tugon ni Pops.

THE POSSIBILITY OF REMARRYING. Plano pa ba ni Pops na magpakasal ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nyah!” natatawang reaksiyon niya.

Patuloy niya, “Natawa lang ako.

“Again, parang hindi ‘yan pinaplano.”

Paano kung may “right one?”

Natatawang sagot ni Pops, “I always think that it’s the right one that comes along.

"Pero, I’m not saying na hindi naman pala or maybe, hindi tamang panahon or tamang pagkikita.”

Gusto pa ba niyang magpakasal?

“May pagkatakot... well, takot na ako siyempre,” pag-amin ni Pops.

“Siyempre, now that I’m a little bit older and wiser, I would think wiser, sana I am. Siyempre iniisip mo na yung mga things that come with it.

“Mas meron lang akong, let’s say, things to watch out for. Not necessarily fear. But if it happens, I guess, it’s gonna happen if you’re caught in that situation na someone asked and I think he’s someone that I can grow old with, I’m open naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN