Rich Asuncion to new batch of StarStruck winners: "Huwag lumaki ang ulo!"

Rich Asuncion on the value of getting along with others: “Kasi siyempre, kahit gaano ka kagaling na aktres, aktor, kung mahirap kang katrabaho, hindi ka nila kukunin. So, dapat talaga, marunong kang makisama. Dapat talaga hindi lumaki ulo mo at hindi ka maging maere.”


Bilang First Princess ng Season 4 ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck, masasabing homegrown Kapuso talent si Rich Asuncion.

Ni minsan ay hindi ba niya naisipang lumipat sa ibang TV network, tulad ng ginawa ng ibang artista?

Sagot ni Rich, "Na-tempt umalis? Wala naman.

"Siguro darating yun kung may nag-o-offer siguro, katulad ng nangyayari sa iba.

"So far naman, walang nag-offer sa akin.

"At saka, so far din naman, happy naman ako sa GMA."

Hindi nawawalan ng show si Rich. Kakapasok lang niya sa GMA drama series na Little Nanay. Bago ito ay kasama siya sa cast ng My Faithful Husband.

Ayon pa kay Rich, "Sunud-sunod ang projects ko sa GMA kaya happy ako."

Isang taon pa ang kontrata ni Rich sa GMA, kung saan pitong taon na siyang artista.

"Pero ire-renew naman ako," wika niya.

Nagwaging Best Actress si Rich sa Anak OFW Film Festival nitong nakarang December para sa pelikulang A Better Life, kung saan nakasama niya sina Gabby Eigenmann at Hyannah Estanislao.

STAYING GROUNDED. Ano naman ang advice ni Rich sa bagong batch ng StarStruck, kung saan itinanghal na winners sina Klea Pineda at Migo Adecer?

Tugon niya, "Huwag lumaki ang ulo!

"Kasi siyempre, kahit gaano ka kagaling na aktres, aktor, kung mahirap kang katrabaho, hindi ka nila kukunin.

"So, dapat talaga, marunong kang makisama. Dapat talaga hindi lumaki ulo mo at hindi ka maging maere."

Ano ang masasabi niya kay Alden Richards, na dating nag-audition sa StarStruck pero hindi nakapasa?

"Nakikita ko si Alden, talagang mabati sa lahat ng tao, mabait talaga.

"So, ang masasabi ko sa iba na bagong artista, iyon nga, dapat maging mabait sila.

"Pag binigyan sila ng trabaho, paghusayan nila... katulad ko!" tawa niya.

Dagdag pa ni Rich, "At saka yun nga, dapat maging mabait ka sa lahat ng tao, kahit hindi iyan direktor, from the bottom to pinakamataas, pinaka-boss mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maging pantay lang yung pagtingin mo sa kanila kasi lahat 'yan katrabaho mo.

"Lahat iyan may kumo-contribute sa produkto na ginagawa ninyo na show o pelikula."

PERSONAL LIFE. Sa kabilang banda, nasaya si Rich kahit sa personal life niya.

Magwa-walong buwan na ang relasyon niya sa Philippine Volcanoes player at Fil-Australian na si Ben Mudie.

Ani Rich, "Masaya! Masaya naman. Really blessed ako na naging boyfriend ko siya kasi napaka-supportive niya."

Hindi pa raw nila napag-uusapan ang kasal.

"Ayoko pa kasi gusto ko pang magtapos [ng pag-aaral].

"Although, kung ano naman, talagang gusto ko na siya na talaga"

Ilang taon pa ba siyang mag-aaral?

"Two years. Sabihin na nating two years kasi unti-unti kong tinatapos.

"So, kung tapos ko naman na ngayon yun, puwede na siguro, pero hindi pa kasi.

"Iyon ang promise ko sa sarili ko, na kailangang magtapos muna ako."

Tourism ang kursong kinukuha ni Rich sa UP Diliman

Paano kung biglang mag-propose ng kasal si Ben?

"Sa guwapong 'yan, hihindi ka ba?" at tumawa si Rich.

Dugtong niya, "Papayag ako pero ide-delay ko yung pagpapakasal.

"Tatanggapin ko yung singsing, pero sasabihin ko, 'Baby, after two years, okay?'

"Puwede namang ganun. Ako naman kasi, mahal ko naman siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN